----- Forwarded Message ----
From: Rosemarie Patron <rosemarie.patron@yahoo.ca>
To: batasmauricio@yahoo.com
Sent: Thu, December 23, 2010 4:45:28 AM
Subject: Reklamo sa Tindahan ng videogames "JM Enterprises" Sta. Cruz,Laguna (Manloloko ng customers)

Dear Batasmauricio,

Una po ay pagbati ng Merry Christmas sa inyong programa. Isa po ako sa mga naghahanap ng kasagutan sa aming problema, ako po ay isang OFW na nagnanais na magkaroon ng karagdagan kita para sa aking mag-aama.Nagdisisyon po ako bumili ng 3units videogames brand new sa JM Enterprises last week of March 2010, after 1week delivery sira po agad un 2units, sabi po nila pupuntahan agad pag nasira 6mos.warranty daw po,pero kong pumunta sila after 2,3or4weeks kahit panay ang text ng mr.ko sa kanila,after 1week nilang irepair sira uli lagi pong ganun, tinanong ko po sila if brand new ba yon oo daw po talagang ganun daw po yon, its impossible po kz un 1unit madalang masira, un 2units lang po lagi sira, b4 mag 1month sabi ko ibabalik na lang namin kase mas marami pa ung araw na sira un 2videogames kaysa sa araw na napapakinabangan, hindi daw pwede ibalik, 17k pesos po each unit (51K) po ang halaga ng 3units. Sakit po ng ulo ang dulot sa amin ng nabili naming vgames sa kanila sa kadahilanan po na ito ay laging sira sabi ko po duon sa may ari magrereklamo ako ang sabi po sa akin ay pagtatawanan lang daw po ako, Mga 2ndweek of July pinabili po kami ng extra controller sa kanila 5H each (2units lang po binili namin) para daw po may extra pagnasira tapos kinukuha po namin un dati controller hindi na raw po nila alam kong nasaan, sa katunayan po ang huling date ng nasira un 2units ay nuong pang 1st week of August 2010 and until now almost 2011 na di po nila inaayos, ang sabi po ng may ari ay dalhin daw po namin sa kanilang tindahan ung mga units ng vgames at duon daw po aayusin, wala po yon sa kasunduan nuon ang sabi nila ay as soon as nagkaroon ng problema pupuntahan agad nila, at malayo po kami sa Sta.Cruz 45minutes travel from our place, then mag rent pa kami ng sasakyan para sa mga videogames, bakit po ganun. Ang akin pong hinaing na gusto kong magkaroon ng kasagutan ay ang mga sumusunod:


1.  Anu-ano po ba ang aming mga karapatan bilang customer?
2.  May karapatan ba kaming maibalik sa kanila kahit 2units ng videogames na lagi sira since ng binili namin sa kanila kahit 70% ng price?
3.  May karapatan ba kaming icheck ang loob ng videogames kong ito talagang brandnew? 
4.  Maaari bang maipasara ang kanilang store dahil hindi sila sumusunod sa kanilang mga pangako sa customers?
5.  Totoo ba na pagtatawanan lang kami pag kami ay nagreklamo sa kinauukulan sa Sta.Cruz, Laguna
6.  Ano po ang dapat naming gawin sa may ari ng store, manloloko po talaga sila?
7.  Ayaw ko pong maranasan ng ibang customer ang naranasan ko na puro sakit ng ulo, sama ng loob ang dulot ng store na ito.
8. Dati po laging sabi ng may ari, may sakit daw po ang technician nila,marami raw pong ginagawa, kaunti lang daw ang kinita nila sa amin.
9. Kong susumahin po wala pa pong 60days na diretso nagamit un 2units kase po talagang laging sira, then di naman po sila napunta agad para
            ayusin.

Sana po ay matulungan nyo kami na huwag ng ipagpatuloy ng may ari ang kanyang panloloko sa mga customer, napakahirap po ng buhay, mahirap din pong kumita ng pera bilang OFW tapos po maloloko pa. Sanay  mabigyan po nyo ng justice ang panloloko samin ng may ari ng store at
huwag ng ipagpatuloy pa ang kanilang masamang gawain. Salamat po at mabuhay kayo.

Gumagalang,