BY ATTY. BATAS MAURICIO


LIFE’S INSPIRATION: “…The LORD said, `I have indeed seen the misery of my people… I have heard them crying out… and I am concerned about their suffering. So I have come down to rescue them… (Exodus 3: 7-8, the Holy Bible).

                    -ooo-

    BEST WAY TO COMMEMORATE EDSA REVOLUTION: Perhaps the best way to remember how the EDSA People Power 1 Revolution really came about is to read the book “Laban His Story”, written principally by former Tarlac Rep. Jose Cojuangco Jr. and launched at the Cojuangco ancestral house in Dasmarinas Village, Makati City last Friday, February 25, 2011.

    I have not read the entirety of that book yet as I am writing this column, but the few pages that I browsed through literally brought me face to face with the history of a people, long shackled by a regime widely-perceived to be repressive and oppressive at the same time, coming out of their doubts and fears upon the insistent prodding of personalities who believed enough was enough.

                    -ooo-

    “LABAN, HIS STORY”: Instantly, the following passages marking the end of “Laban His Story”, written by the eminent Filipino writer Nick Joaquin, has become a favorite of mine: “Let us come to an end with a return to the start. It’s the beginning of the election campaign of 1978. Summertime. Marcos time. Martial law. Early evening. A plaza in Metro Manila.

    “Peping Cojuangco has arranged this miting where Laban is to present its 21 Metro candidates for parliament. The stage is set, the lights are on, and the mikes are ready. But there’s no audience. The plaza is bare, a stark desert. On the stage step the candidates, one by one, to say their say, and no public to hear them. Where are the people?

    “Peping Cojuangco decides to walk around the neighborhood and investigate. Nobody on the streets. Nobody seemingly at home either. No sign of activity indoor. All the windows are dark-ah, but not empty! Peping Cojuangco detects presence: shadows moving, shadows leaning forward, shadows turned towards the miting on the plaza.

    “The Laban candidates onstage are not speaking in vain. They are being listened to. They are heard. They have an audience. Peping Cojuangco returns to the plaza exuberant.

                    -ooo-

    ‘LABAN’: REAL ORIGIN OF PEOPLE POWER: “ `The 20 brave candidates who could stump (Ninoy, of course, couldn’t) might think they were speaking before a bare plaza but actually they had a large audience they couldn’t see. So I decided to change our broadcast system. Instead of installing loudspeaker on the plaza, I installed them in the neighborhoods round about…’

    “It worked. The `attacks and arguments’ emboldened a public too cowed to listen save in the darkness of window and home. Presently people were…even stepping out of their doors and going to the plaza to listen…

“And ultimately they had become too inspirited they were applauding, cheering, and raising a clenched fist, singing Bayan Ko, flashing the L-sign, and joining in the chant of La-ban! La-ban! La-ban… Laban had pulled. Laban had led. Laban had prompted. And a nation has responded. That was the origin of People Power…”


---

‘Laban’: tunay na ugat ng People Power


    INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sinabi ng Diyos, `Nakita ko na ang paghihirap ng aking bayan…Narinig ko ang kanilang daing…at nababahala ako sa kanilang pagdurusa. Kaya bumaba ako upang sila ay iligtas…” (Exodus 3:7-8, Bibliya).

                    -ooo-

    MAGANDANG PARAAN SA PAGGUNITA SA EDSA REVOLUTION: Marahil, ang pinakamagandang paraan upang gunitain kung papaano talaga nag-umpisa ang EDSA People Power 1 Revolution ay ang pagbabasa ng aklat na “Laban His Story”, na prinsipal na ini-akda ni dating Tarlac Rep. Jose Cojuangco Jr. at isinapubliko sa Cojuangco ancestral house sa Dasmarinas Village, Makati City noong Biyernes, Pebrero 25, 2011.

    Hindi ko pa nababasa ng buo ang libro habang sinusulat ko ang kolum na ito, pero ang mga pahinang napasadahan ko na ay nagpakita sa akin ng kasaysayan ng isang bayang matagal na nagdusa sa ilalim ng isang rehimeng itinuturing na mapaniil, at nag-umpisang mag-alis ang mga duda at takot batay na rin sa pagkilos ng mga personalidad na tutol na sa mga abuso.

                    -ooo-

    “LABAN, HIS STORY”: Agad-agad, ang ilang bahagi sa pagtatapos ng “Laban His Story” na isinulat ng iginagalang na si Nick Joaquin, ang naging paborito ko: “Tapusin natin ang aklat na ito sa pamamagitan ng panunumbalik sa umpisa. Nag-uumpisa noon ang kampanya para sa halalan noong 1978. Tag-araw. Panahon ni Marcos. Martial law. Dapit-hapon. Sa isang plaza sa Metro Manila.

    “Inihanda ni Peping Cojuangco ang miting na ito kung saan ang 21 kandidato ng Laban para sa parliamento sa Metro Manila ay ipakikilala. Nakatayo na ang entablado, nakasindi na ang mga ilaw, at ang mga mikropono ay nakahanda na rin. Ngunit, walang laman ang plaza, mistulang disyerto. Sa entablado, nagdatingan na ang mga kandidato, subalit walang makikinig sa kanila. Nasaan ang mga tao?

    “Nagpasya si Peping Cojuangco na maglibot sa kapaligiran at mag-imbestiga. Walang mga tao sa kalsada. Tila wala ding mga tao ang mga kabayahan. Walang kumikilos sa loob ng mga tahanan. Ang lahat ng mga bintana ay madilim---ah, pero may mga tao! Naramdaman ni Peping Cojuangco naroroon ang mga tao: may mga pagkilos sa dilim at pagsusumikap na mapakinggan ang miting sa plaza.

    “Hindi pala nasasayang ang pagsasalita ng mga kandidato ng Laban. Pinakikinggan sila. Mayroon silang mga tagapakinig. Dali-dali, nagbalik si Peping Cojuangco sa plaza, masayang-masaya.

                    -ooo-

    ‘LABAN’: TUNAY NA UGAT PEOPLE POWER: “ `Ang 20 kandidato na maaaring kumampanya (hindi makakapangampanya si Ninoy) ay maaaring mag-akala na nagsasalita sila sa isang plazang walang laman, pero malaki pala ang bilang ng mga nakikinig sa kanila bagamat hindi nila nakikita. Kaya ipinasya kong lagyan ng mga loudspeaker sa kapaligiran, di lamang sa plaza…’

    “Tagumpay ang dala nito. Ang mga ‘atake at argumento’ ay nagpatapang sa publikong natatakot makinig puwera na lamang sa kadiliman ng kanilang mga bintana at mga tahanan. Pagkatapos nito, ang mga tao ay naglalabasan na, at nagtutungo na sa plaza upang makinig…

 “Ng malaunan, lahat sila ay naging inspirado na, at sumasali na sa palakpakan at sigawan, at sa pagtataas ng mga kamao, umaawit ng Bayan Ko, ipinapakita ang L-sign, at sumisigaw ng La-ban! La-ban! La-ban…Nakahimok ang Laban. Nakapangunga ang Laban. At sumagot ang sambayanan. Iyon ang umpisa ng People Power…”