BY ATTY. BATAS MAURICIO


REACTIONS POUR IN: Reactions poured in regarding our items on the Truth Commission, and on man being afflicted with madness and confusion of mind because of his refusal to listen to God and to obey His commands and decrees. I yield to these reactions today.

                    -ooo-

    TRUTH COMMISSION INTENDED TO HELP PGMA: Lawyer Demaree J.B. Raval, who is a columnist of the Daily Tribune while being an official of the United Nations Development Program specializing on Afghanistan affairs, said the Truth Commission (TC) is a device to delay the prosecution of former President Arroyo (GMA). His reaction:

“You ask why the lawyers in Malacanang, our brods included, despite knowing that they were treading on illegality, proceeded with putting up the commission just the same. 

“PNoy entered into a modus vivendi with GMA immediately before election day. Puno and many others switched sides, remember? So, PNoy is going soft on GMA. He is not serious at all. Everything is being done to delay the prosecution of GMA, et. al.

                -ooo-

EO CREATING TRUTH COMMISSION DESIGNED TO FAIL: “The TC is one such device to delay. EO1 (Executive Order No. 1) was crafted purposely to be declared unconstitutional by the SC (Supreme Court). Imagine, the time already lost since June 30, with the issue before the SC, then the MR (motion for reconsideration) on the decision.

“If PNoy wants to prosecute GMA, he can direct the immediate filing of cases. All the evidence to constitute probable cause are staring us in the face. I tell you, by 2016, we will still be debating on what to do with GMA, with no case of consequence filed against her.

“Keep writing. I enjoy reading Batas Mauricio. Ako, tumigil na muna sa Tribune. Busy ako sa aking trabaho anywhere and everywhere with UNDP and USAID. God bless you and Angie and your children. PROF. DEMAREE J.B. RAVAL.

                -ooo-

LIFE IMPRISONMENT FOR FATHER WHO KILLED SON: “08 December 2010. Atty. Mauricio: I am Atty. Ray B. Fagutao, one your readers. You are right in your opinion that the father may be insane as only a person of unsound mind can do such act.

“As a human being, my knee jerk reaction was to cry for the application of the law of retaliation. As a lawyer, I prefer to hear his side, apply the law and mete the appropriate penalty.

“Nonetheless, a lifetime in jail, no matter how light in the eyes of the death penalty advocates, is still a righteous end as only God has the right to take away what he has given….” The rest of  Atty. Fagutao’s reactions will be posted in our next issue.


----


KAKAMPI MO ANG BATAS.SAPOL. 09 DECEMBER 2010


`Truth Commission, pantulong kay PGMA’


    REAKSIYON DUMAGSA: Dumagsa ang mga reaksiyon sa ating isinulat dito ukol sa Truth Commission, at sa isyu ng pagkabaliw at pagkasira ng isip ng tao  dahil tumatanggi na siyang makinig at sumunod sa mga utos ng Diyos. Ilalabas po natin ang mga ito ngayon.

                    -ooo-

    TRUTH COMMISSION, PANTULONG KAY PGMA: Ang Truth Commission ay isang paraan upang madiskaril ang pag-uusig kay dating Pangulong Arroyo, ayon kay Atty. Demaree J.B. Raval, isang kolumnista ng Daily Tribune habang nakaupo siyang opisyal ng United Nations Development Program na nakatutok sa Afghanistan. Ang reaksiyon ni Raval:

“Tinatanong mo kung bakit ang mga abogado ng Malacanang, kasama na ang ating mga brods, ay nagpatuloy pa din sa kanilang pagtatayo ng komisyon bagamat alam na nilang ilegal ang kanilang ginagawa.

“Ang dahilan: nakipagkasundo si PNoy kay GMA bago ang araw ng halalan. Kaya bumaligtad sina Puno at ang maraming iba pa, di ba? Kaya naman lumambot si PNoy laban kay GMA. Hindi siya seryoso. Ginagawa ang lahat upang madiskaril ang pag-uusig kay GMA, et. al.

                -ooo-

EO SA TRUTH COMMISSION, GINAWA UPANG BUMAGSAK: “Ang TC ay isang kaparaanan ng pagdiskaril ng mga kaso. Ginawa ang EO 1 (Executive Order No. 1) upang maideklarang labag sa Saligang Batas ng Supreme Court. Isipin mo, maraming araw na ang nasayang at nawala mula noong Junio 30, dahil lamang sa kaso sa SC, kasama na ang MR sa desisyon nito.

 “Kung nais ni PNoy na usigin si GMA, kaya naman niyang mag-utos na sampahan na siya agad ng kaso. Ang lahat ng katibayan para sa isang matibay na kaso ay kitang-kita naman. Sa tingin ko, sa 2016, nagdedebate pa rin tayo kung ano ang gagawin kay GMA, at walang kasong matindi ang maisasampa sa kanya.

“Sana ay patuloy kang magsulat. Nasisiyahan akong basahin si Batas Mauricio. Ako, tumigil na muna sa Tribune. Busy ako sa aking trabaho anywhere and everywhere with UNDP and USAID. God bless you and Angie and your children. PROF. DEMAREE J.B. RAVAL.

                -ooo-

HABAMBUHAY NA BILANGGO ANG AMANG PUMATAY NG ANAK: “08 Disyembre 2010. Atty. Mauricio: Ako ay si Atty. Ray B. Fagutao, isa sa iyong mga mambabasa… Tama ka sa iyong opinyon na ang ama ay maaaring sira ang isip, sapagkat tanging ang may sira lamang ang makakagawa ng ganung krimen. Sa anumang pananaw, ni hindi ko maisip na ang pangyayari ay bunga ng alam ng damdamin.

“Bilang tao, ang aking agarang reaksiyon ay paghihiganti. Bilang abogado, nais ko munang pakinggan ang kanyang panig, at bayaang umiral ang batas, at saka ipapataw ang kaukulang parusa.

“Magkaganunman, ang habambuhay na pagkakabilanggo ang siyang matuwid na parusa kahit ito ay malamya sa mata ng mga nagsusulong ng parusang kamatayan, sapagkat ang Diyos lamang ang siyang may karapatang kumitil ng buhay…” Ang iba pa pong reaksiyon ni Atty. Fagutao ay sa susunod na natin ilalabas.

-ooo-

BATAS INTERNET TV, BATAS INTERNET RADIO: Please watch BATAS INTERNET TV through the website www.batasmedia.com. We are on the air 24 hours a day, seven days a week.