LIFE’S INSPIRATIONS: “And God spoke all these words…You shall not steal… You shall not covet…anything that belongs to your neighbor…” (Exodus 20:1, 15 and 17, the Holy Bible).

                    -ooo-

    BATAS TV PASTOR CANDIDATE FOR US CONGRESS: My prayers are for an American pastor, Paul Waldmiller, who is running for congressman for the 26th congressional district seat for New York, USA.

Pastor Paul happens to be one of the regular broadcasters of BATAS INTERNET TV, where he has a daily morning program called “The Gospel Hour”, aired from 6:30 a.m. to 7:30 a.m. Mondays to Fridays, with replays at about 10 p.m. on the same day. BATAS INTERNET TV is aired 24/7 by the website www.batasmedia.com. Log on and watch our programs anytime.

His legislative agenda includes fighting laws in the US which allow the government to take away children from their parents on charges that the parents are incapable of providing financial and other material support to their kids.

                -ooo-

    STEALING IS NOW FASHIONABLE: I know times are really hard and many Filipinos are now shamelessly driven to stealing just to keep body and soul together, including the bodies and souls of their wives and children.

But then, these people must be told that the Ten Commandments of God, listed in Exodus 20:1-17 of the Bible, forbid stealing. In Exodus 20:15, God says: “You shall not steal.” In Exodus 20:17, God says: “You shall not covet…anything that belongs to your neighbor.”

What is more problematic for those who steal is God’s promise to punish their children to the fourth generation (Exodus 20:5), thereby literally obliterating the thief’s future family line.

                -ooo-

BATAS TV EMPLOYEES LOSE CELLPHONES TO QC THIEVES: I am saying this as a warning to thieves and robbers and the corrupt, especially those who conspired and confederated to separately steal the cellphones of two officers of BATAS INTERNET TV in just a span of seven days from February 4, 2011 to February 11, 2011, almost in the same spot in Diliman, Quezon City.

They may have successfully stolen and thereafter made money out of the cellphones of Ms. Valene Domingo Cajucom and Mr. Acel Famadico of BATAS INTERNET TV, after taking them in the vicinity of the Philippine Coconut Authority building in Diliman, Quezon City, but surely, the theft of the cellphones will have repercussions in eternity for the robbers.

 Valene and Acel told me they were sure that there were more than one robber that took their cellphones, because at the time of the taking, three to four people almost simultaneously tried to squeeze them in. This is pathetic, because stealing a cellphone has now become a syndicated act.

---

BATAS TV pastor kandidato sa US Congress


    INSPIRASYON SA BUHAY: “At nagsalita ang Diyos…huwag kang magnanakaw…huwag mong pagnanasaan…ang anumang pag-aari ng iyong kapwa…” (Exodo 20:1, 15 at 17, Bibliya).

                    -ooo-

    BATAS TV PASTOR, KANDIDATO SA US CONGRESS: Aking ipinapanalangin ang isang American pastor, si G. Paul Waldmiller, na sa ngayon ay kandidatong kongresista para sa ika-26 na congressional district seat sa New York, USA.

Si Pastor Paul kasi ay isa sa mga regular na brodkaster sa BATAS INTERNET TV, sa kanyang palatuntunang “The Gospel Hour” na sumasahimpapawid mula alas 6:30 hanggang alas 7:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, at inire-replay ng alas 10 ng gabi. Sumasahimpapawid naman ang BATAS INTERNET TV 24/7 sa website na www.batasmedia.com.

Isa sa mga layunin ni Pastor Paul ang paglaban sa mga batas sa Estados Unidos na nagpapahintulot sa gobyernong kunin ang mga anak ng mga magulang na sinasabing walang kakayahang pinansiyal o materyal upang suportahan ang mga bata.

                -ooo-

    USO NA NGAYON ANG PAGNANAKAW: Alam kong mahirap talaga ang buhay ngayon kaya naman maraming mga Pilipino ang wala ng kahihiyan sa pagnanakaw upang mabuhay lamang nila ang kanilang mga sarili, kasama na ang kanilang mga asawa at mga anak.

Pero kailangang sabihan ang mga taong ito na ang Sampung Utos ng Diyos, na nakalista sa Exodo 20:1-17 ng Bibliya, ay nagbabawal ng pagnanakaw. Sa Exodo 20:15, sinabi ng Diyos: “huwag kayong magnanakaw.” Sa Exodo 20:17, sinabi ng Diyos: “Huwag ninyong pagnanasaan…ang anumang pag-aari ng inyong kapwa…”

Ang mas mahirap pa nito, may pangako din ang Diyos na parurusahan niya ang mga anak ng mga magnanakaw hanggang sa ika-apat na salinglahi (Exodo 20:5), kaya naman talagang burado na ang lahi ng mga magnanakaw.

                -ooo-

BATAS TV EMPLOYEES, INAGAWAN NG CELLPHONES SA QC:  Sinasabi ko ito bilang babala sa mga magnanakaw at mga tiwali, lalo na doon sa mga nagsabwatan upang nakawin sa magkakaibang araw ang mga cellphones ng dalawang opisyales ng BATAS INTERNET TV, sa loob lamang ng isang linggo mula Pebrero 4, 2011 hanggang Pebrero 11, 2011, sa halos magkaparehong lugar sa Diliman, Quezon City.

Maaaring nakuha nga nila at nagawang pera ang mga cellphones nina Ms. Valene Domingo Cajucom at Mr. Acel Famadico ng BATAS INTERNET TV, matapos nilang nakawin ang mga ito sa malapit sa Philippine Coconut Authority sa Diliman, pero may epekto ang pagnanakaw na ito sa buhay na walang hanggan.

Sinabi sa akin nina Valene at Acel na sigurado silang lagpas sa isa ang nagnakaw sa kanila, sapagkat noong naganap ito, tatlo hanggang apat na tao ang halos sabay-sabay na bumangga sa kanila. Kawawa naman ang mga taong ito, sapagkat ang pagnanakaw nila ay isa ng pagkilos ng mga sindikato.