Showing category "KIT KILATIS" (Show all posts)

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Thursday, March 3, 2011, In : KIT KILATIS 
KILATIS panday-lipunan
by Kit Lagare
3 March 2011

SANDAMAKMAK, PUPUGAK-PUGAK HIRAP
IILAN, NANGANGALINGASAW SA YAMAN

“Kung ang malayang lipunan ay hindi kayang iahon ang sandamakmak na pupugak-pugak sa dagat ng kahirapan, hindi nito maililigtas ang iilang nalulunod sa umaalingasaw na kayamanan.” Ito ang tinuran ni John F. Kennedy,  ika-tatlumput limang pangulo ng Estados Unidos sa kanyang inaugural address noong a-bente ng Enero 1961.

Tumbok-na-tumbok ang mga katagang ito ang sitwasyon noon, tumbok-na-tumbok pa rin ang mga ito ang sitwasyon ngayon. Sitwasyong nangyayari hindi lamang sa Estados Unidos, bagkus, talamak sa buong mundo. Noon, ngayon, at kung hindi magbabago ang mga Ganid, Manhid, at Abusado sa anumang pamahalaan, magpakailanman. 

Turo sa banal na kasulatan, kumuha lamang ng sapat sa pangangailangan. Tinutukoy ang manna na nahuhulog mula sa langit. “Huwag nang mag-imbak,” ika ng Panginoon, dahil kapag ginawa ninyo iyon, una: may mga mawawalan; at, pangalawa, mapapanis lamang ang inyong itatabi. 

Ngunit noon pa man, sa hanay ng mga Israelites na iniligtas ni Moises sa tanikala ng pagkaalipin sa bansang Egypt  (habang sila’y lumalakbay sa wilderness patungo sa lupang ipinangako), sadyang may mga PASAWAY na na mga GANID, MANHID, at ABUSADO na.

Malamang, ang naturang wisdom ay hindi naulinigan ng mga Egyptians. Bakit? Aba’y bukod kay Hosni Mubarak, lahat ng kanyang mga TUTA pati na mga KUTING ay nangamkam din ng nakakabaliw na MANNA. Resulta? Sandamakmak sa kanilang mga kalahi ang pupugak-pugak sa dagat ng kahirapan. Pero masuwerte pa rin ang mga Egyptians (sa mga umaapi sa kanila) kaysa sa atin. Bakit? Kahit sila’y naghihirap, kaya pa nilang umupa ng mga alilang Pinoy, na di hamak na mas naghihirap.

Hindi nagkakalayo ang sitwasyon sa mga Bansang Egypt, Tunisia, Yemen, Bahrain, at Libya. Hindi din malayong mangyari na may iba pang mga bansa na susunod kagaya ng Jordan at Saudi Arabia. Handa na kaya ang ating mga kinauukulan sakaling ito ay mangyayari?

Ang sundot-sagad (bottom line), kapwa Pinoy, magkaiba man ang lahi, timbang, taas, amoy, kulay, kultura, at iba pa, lahat ng tao ay iisa ang mithiin at adhikain. Ang maging malaya. At, kaakibat ng kalayaang iyan ang KARANGALAN, KATOTOHANAN, KATARUNGAN, MAKATAO, at KAPAKINABANGAN para sa bayan, sa isip, sa salita at sa gawa.

Angkop-na-angkop, para sa lahat ng lahi – noon, ngayon, at magpakailanman – ang nakasaad sa deklarasyon ng kasarinlan ng mga Amerikano: “Aming pinanghahawakan ang hindi mapasusubaliang katotohanan na lahat ng tao ay nilikha na pantay-pantay. Na sila’y biniyayaan ng Dakilang Lumikha ng hindi masasadkaang mga karapatan, at ilan dito ay BUHAY, KALAYAAN, at ANG PAGHAHANAP NG KALILIGAYAHAN….  

Samantala, bumalik muna tayo sa loob ng ating bansa, kapwa Pinoy, baka madamay pa o kaya’y maipit pa tayo sa kanilang gulo.

Naturingan na malaya ang ating bansa. Ngunit, huwag tayong paguguyo at hanggang turing lang ito. Kagaya nga nang nabanggit ko na, may mga batayan para maituturing na talagang malaya ang isang bansa. Hindi lamang kalayaan sa pamamahayag o kalayaang magsalita, ang mga batayang ito. 

Hangga’t hindi gumagana ng husto ang Office of the Ombudsman, COA, MGA KORTE, AFP, PNP, KONGRESO, at iba pang ahensiya, dahil sila ay mistulang mga NASUHULAN, NANGHINGI NG SUHOL, TINAKOT  O NAGPATAKOT, O KASABWAT SA PANDARAMBONG SA BAYAN, o all of the above, hindi pa natin masasabing ang ating bansa ay ganap nga na malaya.

Babala sa mga haharang-harang sa paghahanap ng katotohanan sa kongreso: kaya hindi pa dumating ang Pinas sa kahalintulad na situwasyon ng bansang Libya, ay dahil umaasa pa rin ang mga Pinoy na gumana ng tama ang proseso. Kaya kung puwede lang, huwag na sana silang maligalig. 

Unsolicited advice kay Pinoy: bukod kay Heidi Mendoza, marami pa tayong mga materyales puwertes na KAPAKI-PAKINABANG para sa sambayanang Pinoy, katulad nina Gen. Danny Lim, Jun Lozada, Col. Querubin, Amba Roy Seneres, Atty. Alan Paguia, at marami pang iba.

Isipin na lang ninyo kung saan dadamputin ang mga KAWATAN kung isang Alan Paguia ang Ombudsman.
  
Ako ay lubos na naniniwalang pantay-pantay ang trato ng Poong Maykapal sa kanyang mga nilikha. Kung sa Gitnang Silangan, black gold ang kanilang Manna, pure gold naman ang sa atin. Nga lang: GINTONG MANNA MULA SA LANGIT, SINO-SINO ANG NAKIKINABANG? 

--oOo-

Para sa inyong mga komento, suhestiyon, at impormasyong nais iparating sa inyong lingkod: CP(0916) 731-0183; email: kitkilatis@yahoo.com at subaybayan ang programang KILATIS panday-lipunan, 4:30 to 5:30 pm (log on to: http://www.facebook.com/l/23629RU2Qjc4sBJXwUJU1pz9iCA/www.batasmedia.com) at matutunghayan din ang KILATIS kolum sa News Update.
Sixto Baflor Lagare 10:37am Mar 3
KILATIS panday-lipunan
by Kit Lagare
3 March 2011

SANDAMAKMAK, PUPUGAK-PUGAK HIRAP
IILAN, NANGANGALINGASAW SA YAMAN

“Kung ang malayang lipunan ay hindi kayang iahon ang sandamakmak na pupugak-pugak sa dagat ng kahirapan, hindi nito maililigtas ang iilang nalulunod sa umaalingasaw na kayamanan.” Ito ang tinuran ni John F. Kennedy, ika-tatlumput limang pangul...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Thursday, March 3, 2011, In : KIT KILATIS 
KILATIS
Panday-lipunan
by Kit Lagare
NAPAKO NA PANGAKO

POSIBLE nga na ang sinabi ni Senador Bongbong Marcos, anak ng pinatalsik na pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong “People Power/Edsa 1986.” Tandang-tanda ko pa na ang isang minimum wage earner noon ay kayang-kayang iupa ng isang apartment at buhayin ng matiwasay ang kanyang pamilya. Sa ngayon, upa pa lang ng isang apartment ‘di na kasya ang sahod ng minimum wage earner. Para mas klaro, ang upa ng apartment noon ay mas mababa pa kaysa pambayad sa tubig sa kasalukuyang panahon, na kunsumo ng katulad na apartment.

POSIBLE ding nangyari ang sinabi ni PNoy, sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng EDSA 86’, na nagka-civil war sa ating lupang hinirang kung hindi nagka EDSA 86’. Sobra na kasi abusado noon ang mga PC, Pulis, at Militar na mga nagpaka-tuta para kumita, sa mga taong makapaligid kay Marcos. Not necessarily Marcos himself. Napatunayan iyan ng hindi niya inaprubahan ang pagsusumamo… “parang awa na ninyo Sir, pumayag na kayong bombahin ang mga demonstrador sa Edsa…” ni Gen. Fabian Ver. Mahina na si Marcos ng mga panahong iyon, hindi na niya kontrolado ang mga buwayang kanyang nilikha at ang mga buwayang ito at may kanya-kanya na ring tribo. Ang mga tribong ito ay mistulang mga buwitreng aali-aligid sa nanghinina na nilang amo, naghihintay ng tamang tiyempo upang sagpangin kanyang trono. Kaya sila-sila din ay nagkakagulo. Kanya-kanya silang balyahan, sikuhan, at gulangan.

KATOTOHANAN? Kung ang mga nabanggit ay mga posibilidad lamang, ang nadudumilat na katotohahan ay NAPAKO ANG MGA PANGAKO NG EDSA.

TOTOO niyan, hindi lamang mga pangako ng EDSA ang napako. Ang iba pang pangako? Ano-anong mga pangako?

PANGARAP PINOY, ipinagkait noong panahon nina Gat Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio. Nagkakuwarta at umunlad ang mga naluklok sa puwesto, inisahan at ipinagkanulo ang sambayanang Pilipino. 

Ipinagkait din ito noong panahon nina pangulong Manuel Quezon. “I would rather have a Philippines run like hell by Filipinos, than a Philippines run like heaven by Americans,” pangalandakan niya. Masunurin naman kanyang mga alipores kaya ayon… sila’y nagsipagyaman ng husto habang naghihirap pa rin ang sambayanang Pilipino. 

BAGONG LIPUNAN ating ding nasubukan. Sa umpisa maganda pero kalaunan tayo’y nadisgrasya na naman. Mga tuta na pagkagahaman ay ‘di maiwaksi sa isipan sobrang nagsipagyaman habang ang kawawang si Juan ay lugmok pa rin sa kahirapan.

ENTRA SI EDSA. Magkaisa anila, at magsamasama. Kapit kamay sa bagong pag-asa. Pag-asa lang pala ng mga BUWITRE’T  BUWAYA. Si Juan? Ay siya… lalong nasadlak sa dusa. 
ERAP RESIGN, anila. Kurap iyang si Erap. May GLORIA ang buhay natin, ang sabi nila, kay Gloria. Buhay lang pala nila ang may GLORIA. Lalong naging GARAPAL ang NAKAWAN sa kaban ng bayan. Tagumpay nilang nasungkit nakuha ang trono, NO.1 KAWATAN sa buong Asya ang pamahalaang Arroyo. Mga tuta at kuting pa rin ang mga nagtamasa at nagpakasasa sa PASALUBONG, PABAON, AT PABUYA! Hindi lamang sa AFP mayroon ng mga nabanggit, kapwa Pinoy. Talamak ang katiwalian sa halos lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Nabalitaan na ba ninyo ang sistema ng kota? Kung saan ang mga sekwataryo ay may kotang ihahatag kay big Boy kung gusto nilang mapapuwesto at manatili sa puwesto? Hindi nga ba’t inatasan pa nga ni noon ay NEDA Secretary Romulo Neri ang kanyang ayudanteng si Jun Lozada na: “moderate their greed,” at baka bumukol – at sila’y MABUBUKO?

Ang PANGARAP PINOY ay simple po lamang. Ito ay matatagpuan sa ating mga naging salaging batas noong 1899 (Malolos Constitution), 1935, 1973, at 1987 Constitution. Halos magkakahalintulad lamang po ang mga ito, na nakasaad sa “Preamble.” Ito po ang buod:

Kami, ang makapangyarihang sambayanang Filipino, sa gabay ng Dakilang Lumikha, makapagtatag ng isang makatarungan at makataong lipunan at makapagbuo ng pamahalaan na magsusulong ng mga mithiin at adhikain ng sambayanan, magtataguyod ng kabutihan para sa lahat, mangangalaga at magpapaunlad ng likas na yaman, at ng makamtan para sa mga sarili at sa susunod na salinlahi ang biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng makatarungang pamamahala at rehimen ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pagmamahalan, pagkapantay-pantay, at kapayapaan.

Matagal nang ipinagkakait ang simpleng pangarap na ito sa sambayanang Filipino at patuloy itong ipagkakait, kapwa Pinoy, kung hindi ipaggigiitan ng bawat isa na ito’y maisakatuparan. Kung sa papanong pamamaraan, iyan ang dapat pag-isipan ng bawat isa. Ano ang masasabi at nararapat mong gawin? Tatahimik ka na lamang ba at ipapasa-diyos ang lahat? Mag-aantay ka na lamang ba na silang sumasalaula sa bayan ay buweltahan ng karma? Wala ka bang pakialam sa lipunang iyong ginagalawan? Nakikinabang ka ba sa nakukulimbat kaya’t ‘di ka makakibo? Ipagbibili mo parin ba ang iyong boto? Ilan lamang ito sa mga katanungang dapat isaalang-alang.

ITAGA pa sa bato… “HANGGA’T HINDI KUMIKIBO MGA MATITINO, PATULOY NA MAGTATAGUMPAY MGA MAY SUNGAY!” 

-0o0-

Para sa inyong kumento, suhestiyon, o nais iparating na impormasyon: CP No.(0916) 731-0183; email address: kitkilatis@yahoo.com
Sixto Baflor Lagare 12:54pm Feb 27
KILATIS
Panday-lipunan
by Kit Lagare
NAPAKO NA PANGAKO

POSIBLE nga na ang sinabi ni Senador Bongbong Marcos, anak ng pinatalsik na pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong “People Power/Edsa 1986.” Tandang-tanda ko pa na ang isang minimum wage earner noon ay kayang-kayang iupa ng isang apartment at buhayin ng matiwasay ang kanyang pamilya. Sa ngayon, upa ...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Thursday, March 3, 2011, In : KIT KILATIS 
KILATIS
Panday-lipunan
by Kit Lagare
28 March 2011

Huli man daw at magaling… 
may Crisis Center na ang DFA

TALIWAS sa palusot ng DFA at OWWA sa mga nakaraang araw na sa kamay ng mga pribadong recruitment agency nakasalalay ang paglikas sa mga kapwa Pinoy sa Libya, Bahrain, at Yemen, o saan mang lupalop ng mundo, sa ora de peligro, narito ang patunay na sila’y sandamakmak na sinungaling (maari ding hindi nila alam kanilang trabaho): 

REPUBLIC ACT NO. 8042 – June 7, 1995 Omnibus Rules and Regulations Implementing The Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995;

Sec. 56. Emergency Repatriation. - The OWWA, in coordination with DFA, and in appropriate situations, with international agencies, shall undertake the repatriation of workers in cases of war, epidemic, disasters or calamities, natural or man-made, and other similar events without prejudice to reimbursement by the responsible principal or agency within sixty (60) days of notice. In such case, POEA will simultaneously identify and give notice to the agencies concerned;

Sec. 59. Emergency Repatriation Fund. - When repatriation becomes immediate and necessary, the OWWA shall advance the needed costs from the Emergency Repatriation Fund without prejudice to reimbursement by the deploying agency and/or principal, or the worker in appropriate cases. Simultaneously, the POEA shall ask the concerned agency to work towards reimbursement of costs advanced by the OWWA. In cases where the cost of repatriation shall exceed One Hundred Million (P100,000,000.00) Pesos, the OWWA shall make representation with the Office of the President for immediate funding in excess of said amount.

At upang masiguro na ang daloy ng impormasyon ay dumadaluyong –sapagkat sa ganitong sitwasyong buhay ang nakataya ay bawat sandali’y ginto, at bawat kontil-butil na impormasyon ay mahalaga – isang inter-agency committee (SHARED GOVERNMENT INFORMATION SYSTEM FOR MIGRATION) din ang itinatag na kaakibat ng naturang batas.     

Sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs, bilang Chairman, ang mga sumusunod: Department of Labor and Employment, as Vice chairman; Department Department of Tourism; Philippine Overseas Employment Administration; Overseas Workers Welfare Administration; Bureau of immigration; National Bureau of investigation; National Statistics Office; at, Commission on Filipinos Overseas ay naatasang bumuo ng master list ng mga OFW’s na may kompletong impormasyon upang maayos, madali, at mabilis silang mailikas sa oras ng pangangailangan at sa ibang pa nilang kapakinabangan.

Huli man daw at magaling… nagset-up na ng Crisis Center ang DFA. Kung maari lamang, lahat ng impormasyong ipinararating ng ating mga kaanak, o kakilala sa mga magugulong lugar na nabanggit, para agad na magawan ng kaukulang aksiyon, ay iparating agad sa DFA Crisis Center sa mga teleponong may numero: 834-4580, 834-3245, 834-3240, at 834-4646.

-oOo-

Para sa komento, suhestiyon, o ipararating na impormasyon sa inyong lingkod, Mobile Phone: (0916) 731-0183; email: kitkilatis@yahoo.com. Subaybayan ang KILATIS, 4:30 to 5:30 pm, Monday to Friday, at PULONG-BALITAAN, 8 pm onwards, Monday to Friday. Log on to: http://www.facebook.com/l/81f909BQoxzh9owWutVh0lNOyfQ/www.batasmedia.com. Ang KILATIS ay matutunghayan din sa NEWS UPDATE, tabloid newspaper.
Sixto Baflor Lagare 2:28pm Feb 28
KILATIS
Panday-lipunan
by Kit Lagare
28 March 2011

Huli man daw at magaling… 
may Crisis Center na ang DFA

TALIWAS sa palusot ng DFA at OWWA sa mga nakaraang araw na sa kamay ng mga pribadong recruitment agency nakasalalay ang paglikas sa mga kapwa Pinoy sa Libya, Bahrain, at Yemen, o saan mang lupalop ng mundo, sa ora de peligro, narito ang patunay na sila’y sandamakmak na sinungaling (maari ding hindi nila alam kanilang trabaho): 

REPUBLIC ...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Monday, February 21, 2011, In : KIT KILATIS 

February 17, 2011

 

KILATIS

PandayLipunan

 

PANGO AT PINOCCIO,

IPAGBAWAL SA OMBUDSMAN

 

KUSANG-PALO na mag-imbestiga at umaksiyon kung  may mag reklamo at magsampangkaukulangkaso, saanumangginawa o kinaligtaanggawinngisangopisyalngpamahalaan o empleayado, tanggapan o ahensya, kung angginawa o angkinaligtaanggawin ay lumalabasnalabagsabatas, hindimakatarungang, hindikanaisnais o walangpakinabang.

PAGSA-PUBLIKO ngmganilalamanngimbestigasyonkungkinakailanganng may kaukulangpag-iingat ...


Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Monday, February 21, 2011, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
KILATIS
Panday Lipunan

PANGO AT PINOCCIO,
IPAGBAWAL SA OMBUDSMAN

KUSANG-PALO na mag-imbestiga at umaksiyon kung  may mag reklamo at magsampa ng kaukulang kaso, sa anumang ginawa o kinaligtaang gawin ng isang opisyal ng pamahalaan o empleayado, tanggapan o ahensya, kung ang ginawa o ang kinaligtaang gawin ay lumalabas na labag sa batas, hindi makatarungang, hindi kanaisnais o walang pakinabang.

PAGSA-PUBLIKO ng mga nilalaman ng imbestigasyon kung kinakailangan ng may kaukulang pag-iingat o pagsaalang-alang sa kapakanan ng mga akusado.
Ito kapwa Pinoy, sa “bao-ng-niyog (in a nutshell)” ang mga pangunahin at pinakamahalagang tungkulin ng Office of the Ombudsman, na kung natutugunan lamang, ang MABUTING PAMAMAHALA  ay tiyak na makakamtan at hindi na magkakalitse-litse ang buhay ng sambayanan.

Nga lang, ang tungkuling ito ay kaya lamang gawin ng Ombudsman na hindi KASABWAT o TUTA ng mga gumagawa ng KAUNGASAN.

Huwag ninyong minamaliit ang PNP. Mayrun din kaming PPP. Pakilala, Paalala, at Paalam, ani, Sen. Lacson. Nga lang, kagyat siyang kinorek ng kanyang comptroller noon na ngayon ay kongresista na rin, Rep. Romeo Acop ng Antipolo City, na ang naturang pondo ay 44 at hindi 40 milyon lamang. May credit card pa na tila “sky is the limit.” May pang gaso din na kahit 50 sasakyang pa na tumatakbo man 24 oras ay hindi kayang lagukin. HINDI ITO NAAMOY NG MGA TAGA-OMBUDSMAN? Pango nga eh!?

Buwan ng Enero 2009, dawit sa World Bank report  ang asawa ni PGMA sa "bid fixing," sa DPWH. Inilagay sa blastlist ni WB country director Bert Hofman ang tatlong Filipino at apat na mga kompanya ng Tsino. Ibinahagi din nito ang bahagi ng report na nagdedetalye ng naturang katiwalian, sa Ombudsman. Nag-alok pa ito (WB) ng tulong sa gagawing imbestigasyon ng Ombudsman. HINDI DIN ITO NAAMOY NG OMBUDSMAN? Kulit… pango nga!? 

Naging bantog din ang goberno, sa pamamahala ni GMA, sa buong mundo pagdating sa KURAKUTAN, at ayon sa pagkakasunod-sunod, ito ang top ten na mga ahensiya: BIR, Bureau of Customs, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, National Irrigation Association, Department of Health, Department of Interior and Local Government, National Power Commission at Bureau of Immigration. 

Nga lang, walang ni isa sa mga punong bantay (salakay?) ng mga ahensiyang nabanggit ang nakurot man lang ng pinong-pino sa singit, bilang parusa. HINDI DIN ITO NAAMOY NG OMBUDSMAN? Wei... pango nga kasi!? 

Balitang-balita din sa mga barberya, tong-itstan, maging sa mga ihaw-ihaw ang mga karumaldumal na anomalya: NBN ZTE Scandal; Panunuhol sa mga Kongresista at Gobernador (October 2007); Pagnanakaw ng sagradong boto,  2004 Elections (Hello Garci); Joc Joc Bolante Case (Fertilizer Scam, P728 Million); Jose Pidal Bank Account (Unexplained Wealth, P200 Million); Nani Perez Power Plant Deal ($2 Million); Pagwaldas ng Road User's Tax para ipambili ng boto; Billion Peso Macapagal Boulevard (Overprice of P532 Million); Juetengate (Illegal Numbers game kickbacks); Tagong-yaman ni Arroyo sa Germany (Exposed by Senator Cayetano); Hello Garci Generals; Billion Peso Poll Automation contract (P1.3 Billion); Northrail Project($503 Million); Maguindanao Results of 2007 Elections (Zubiri, Bedol); NAIA-3; Venable Contract (Norberto Gonzales); Swine Scam – baboy na binaboy pa – (Exposed by Atty. Harry Roque), at iba pa. HINDI DIN ITO NAAMOY NG OMBUDSMAN? May sipon?

Si senador Mirriam ay kilalang kaalyado ni GMA. Nga lang hindi tayo sigurado kong siya’y ginagamit o siya’y sadyang nagpapagamit, sa pagsusulong na naman ng Cha-Cha. Ang Cha-Cha ay isa sa mga estratihiya upang malusutan ng mga KAWATAN (nakalipas na administrasyon) ang kanilang mga ginawang kasalanan sa bayan. 
Sakaling magtagumpay ito, 99.9 percent na ang magiging punong ministro ay si GMA kungdi man isang kaalyado o tuta nito. Kapag nangyari ito, yari na naman ang sambayanang Pilipino.

Paalala lang sa senadora, hindi Cha-Cha ang prayuridad ngayon  ng bayan. Huwag sanang mailihis ang pokus ng bayan sa pagtukoy sa mga itinanim ng dating pamahalaan sa goberno (para manatili itong bulok), at ang pagpatalsik sa kanila. Sila ang mga Zombies na tinutukoy ng dating sekretaryo, Angelo Reyes, na dapat kapunin. 

Sila ang nagbigay ng bagong kahulugan sa Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga anak ng bata (KKK). Ito na ang makabago: KONEKSYON, KUWARTA, at KAPALMOKS. 

Ika nga ni sekretari Reyes: “May mga taong kilala na ng taumbayan na mga KAWATAN pero likas na makakapal talaga ang mukha at pagala-gala pa. Ayokong matulad sa kanila, dahil ang mabuhay na walang dangal ay isang trahedya na mas masahol pa kaysa kamatayan.” 

-oOo-

Para sa komento, suhestiyon, o impormasyon: (0916)731-0183; email: kitkilatis@yahoo.com. Ang KILATIS ay matutunghayan din sa News Update. Panoorin ang KILATIS, 4:30 to 5:30, Lunes hanggang Biyernes, at PULONG-BALITAAN, 8 pm onwards, mag log on: http://www.facebook.com/l/cc08ezBaS-DYMXosb28nbPz3pLQ/www.batasmedia.com
Sixto Baflor Lagare 7:36pm Feb 17
KILATIS
Panday Lipunan

PANGO AT PINOCCIO,
IPAGBAWAL SA OMBUDSMAN

KUSANG-PALO na mag-imbestiga at umaksiyon kung may mag reklamo at magsampa ng kaukulang kaso, sa anumang ginawa o kinaligtaang gawin ng isang opisyal ng pamahalaan o empleayado, tanggapan o ahensya, kung ang ginawa o ang kinaligtaang gawin ay lumalabas na labag sa batas, hindi makatarungang, hindi kanaisnais o walang pakinabang.

PAGSA-...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Monday, February 21, 2011, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
Panday-lipunan
February 12, 2011

Hello Garci: “Hindi ako si Superman.”
Hello Angie: “Nagsuwapang ba ako?”

Kapwa pinoy, isang text message ang lumanding sa aking selpon galing sa isang kaibigang sundalo kamakailan at ito ang sinabi: “Mas karapatdapat para sa amin (sa atin) na magdalamhati para sa mga sundalong napapaslang sa pinaglabanan samantalang gumagapang sa putikan habang pinagbabaril ng mga rebelde gamit ang mga bala at armas galing sa pamahalaan, kaysa makipagdalamhati sa nagpakasasa sa pondo ng goberno habang nakapuwesto at kumitil sa sariling buhay dahil hindi nakayanan ang kahihiyan ngunit sadya pa ring mapagmataas kaya’t mas minatamis pa ang mamatay kaysa isiwalat ang katotohanan na magpapalaya sa sambayanan sa tanikala ng kahirapan.”

Habang sinusulat ko ang kolum na ito biglang ipinalas report na dalawa na namang sundalo ang nadali ng mga bandidong Abu Sayyaf at malamang, mga bala’t armas na naman ng pamahalaan ang dumali sa kanila.
Wala ako ni bahid pagdududa na ang kanyang tinutukoy na kumitil sa sariling buhay dahil sa labis-labis na kahihiyan ay ang dating punong bantay ng sandatahang lakas na naging sekretaryo din ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo, na walang iba kungdi ang namayapang Angelo Reyes.

Nga lang, ika nga sa isang patalastas: “sa mata ng isang bata, ang maling ginagawa ng matatanda ay nagiging tama.” Kaya naman kagaya ng dapat asahan kuntodo papuri ang mga anak ng dating Heneral sa kanilang ama.

Simangot at ismid ang tugon ng mga nagpapagupit kay Bertong barbero sa gustong mangyari nina senador Gringo at Joker na gawing sekreto ang mga pagdinig sa senado. Sinayang anila ni Gringo ang kanilang boto. Si Joker naman dati na anilang Joker iyon. Papano mo naman siseryusohin mga sinasabi niya.
Papuri naman ang pasalubong, at kung kakailangin pa, pabaon, ang reaksiyon ng marami sa paninindigan ni El Presidente Enrile na tuloy ang pagkilatis upang magkaalaman talaga – kuwentas klaras baga – kung sino-sino ang mga kawatan sa kaban ng bayan, sa pamamagitan ng pagdinig na bukas sa madlang pipol hanggat hindi ito makakapinsala sa siguridad ng ating bayang magiliw. Mabuhay kayo El Presidente Enrile.

Hindi ako si Superman! Ako ba ay nagsuwapang? Naging ganid  ba ako? Mga nasambit nina Hello Garci na may umamin at nag “I am sorry,” at hello Angie na itinatanggi. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga bulalas na iyon? Hindi nila solong ginawa ang mga nangyaring kaungasan. Marami sila na nakinabang ng sandamakmak na kuwarta?

DANGAL, KATOTOHANAN, KATARUNGAN. Dangal higit sa lahat, kasama na ang prayd, respeto sa sarili, pagsaalang-alang sa alaalang iiwan ang mga mahalaga kay dating Kalihim Angelo Reyes. May dalawang opsiyon na puwede niyang pagpilian: istonwoling/daanin sa husgado ang labanan, o linisin ang sariling kalat at mag-ambag sa paglilinis ng sistema.
Kung marami kang koneksiyon, datong, at kapangyarihan para sustinahin ang takipan, at maaring may makapal ka’ng mukha para kayanin ang kahihiyan, takipan ang mas mainam na opsiyon. Wala aniya ako niyon, kaya pipiliin ko ang daan na may dangal, sabi mismo ng dating Kalihim Angelo Reyes, sang-ayon sa isang ulat na pinadaan kay Malou Mangahas, PCIJ.

Dagdag pa niya, “gusto nating linisin ang sistema at para ito ay makatarungan, pantay-pantay dapat itong ipapatupad at maayos. Batay sa ating karanasan, yaong may mga posisyon at kapangyarihan, suporta at koneksiyon madalas kaysa minsan, ni hindi nagagalusan man lamang. Wala nga lang ako ng kahit alin man sa mga nabanggit. Maraming taong walang kaduda-dudang mga walang dangal sa mata ng taumbayan, ang nakikita pang pagala-gala. Ayokong sumali sa kanilang hanay,” aniya. 

Bilin niya sa mga Kadete: “ang inyong propesyon ay marangal, at wala kayong dapat ikakahiya. Sinubukan kong mabuhay ng may integridad, loyalty, at buo ang loob.”

Paalala niya sa kapwa-Pinoy: “dalangin ko na ang aking kaso/sitwasyon ay huwag magamit upang tuldukan ang isyu ng kurapsiyon sa militari. Ang laban para repormahin ang sistema at ang buong bansa ay kailangan magpatuloy; ang malungkot lang na parte ay pinipili lang nila ang mga taong targitin at institusyon.”

May dalawang dahilan kaya naghaharakiri o sepukko ang mga Samurai sa bansang Hapon. Una ayaw nilang bigyan kasiyahan ang mga kalaban sa sila’y i-torture, sa sandaling nagugupo na sa labanan. Pangalawa, iginagawad nito sa sarili ang capital punishment kapag nagkasala ng karumakdumal kagawa ng treason at pandarambong. At depende sa bigat ng pagkakasala, ang ariarian at kayamanang naiwan sa pamilya ay binabawi ang kalahati o buong-buo. Inaalisan din ng rango sa lipunan ang mga ito. 

Kaya naman kuntodo ngiti si aling Maming na nagtitinda ng murang lugaw sa may kanto (sa kamurahan, halos wala na siyang kinikita kaya walang badyet pambili ng kutsara) sa pagpursige ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na kilatisin kung ipinagbayad ng buwis ang nakulimbat na kayamanan ng mga iniimbestigahang opisyal ng sandatahang lakas. Ayon kay Komisyuner, kahit galing sa nakaw ang kayamanan dapat itong ipagbayad ng buwis. 

Ngayong alam na ninyo pakisuyo na lang, pakisabi sa mga kilala ninyong akyat bahay, isnatser, mandurukot, budol-budol, at iba pa na huwag gayahin ang mga heneral na inaakusang nangulimbat. Mag kusa na silang magbayad kamo ng buwis sa BIR. Huwag na nilang antaying patatawag pa sila ng senado. Mabilad pa sila sa kahihiyan sampu ng lahat ng nakinabang sa kanila kasama na mga anak, asawa, at mga kabit pa, kung meron man.

Hindi pa natin alam kung sino ang senior associate ng dating Kalihim na kanyang pinagkatiwalaan ng kanyang “huling mga pahayag” bago kitlin ang sariling buhay. Hindi rin natin sigurado kung iyon ba ang kabuuan o tahasang pinangalanan ang mga taong nagsalaula sa bayan. Ngunit malinaw na laganap ang katiwalian sa pamahalaang Arroyo at malinaw na hindi maaring magmalinis ang sinumang mga kaalyado nito. Malinaw din ang mensaheng nais iparating ng dating Kalihim sa sambayanang Filipino na manindigan para sa KARANGALAN, KATOTOHANAN, AT KATARUNGAN.

Si Hudas ay namatay ng may dangal. Namatay siyang may dangal hindi dahil siya ay walang kasalanan. Namatay siyang may dangal dahil tinanggap niya na siya’y nagkasala at, kagaya ng mga tunay na mandirigmang Samurai, siya na mismo ang naggawad ng kaukulang parusa para sa nagawang kasalanan, sa sarili.

Sa kapwa Pinoy, at wari ko’y lalo’t higit sa kanyang mga dating kasamahan sa pamahalaang Arroyo, ito ang tagubiling nais iparating ng dating Kalihim Angelo Reyes: “ang mabuhay na walang dangal ay isang trahedya na mas masahol pa kaysa kamatayan.”

Siguro naman alam na ninyo ang dapat gawin. Nga ba? 

-oOo-

Panoorin ang KILATIS on iTV, 4:30 to 5:30 pm, Monday to Friday, at ang PULONG BALITAAN, 8 to 10 pm, Monday to Saturday, mag log on: http://www.facebook.com/l/f464eCUD6bZhsXMIOrkHY7n7B5g;www.batasmedia.com    
Para sa inyong komento, reaksiyon, o nais iparating na impormasyon: CP – (0916)731-0183; email add: kitkilatis@yahoo.com
Sixto Baflor Lagare 4:34pm Feb 13
Panday-lipunan
February 12, 2011

Hello Garci: “Hindi ako si Superman.”
Hello Angie: “Nagsuwapang ba ako?”

Kapwa pinoy, isang text message ang lumanding sa aking selpon galing sa isang kaibigang sundalo kamakailan at ito ang sinabi: “Mas karapatdapat para sa amin (sa atin) na magdalamhati para sa mga sundalong napapaslang sa pinaglabanan samantalang gumagapang sa putikan habang pin...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Tuesday, February 8, 2011, In : KIT KILATIS 
LINIS KALAT NINA GMA & COMPANY

ANG PAGTUTUWID NG LANDAS na pinagsusumikapan tahakin ng administrasyon ni PNoy ang pilit pinipilipit ng mga tatamaan. Terorismo, kanilang panlaban para lumihis ang usapan?
KALKALAN at SIBAKAN, mga ginawang katiwalian, at ang mga midnight appointees ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang mga unang-unang inatupag ni PNoy. Ito ay pagtalima niya sa mga pangakong kanyang inilatag sa sambayanang Filipino noong nakaraang halalan. Ito din ang matagal-tagal nang inaasam-asam ng taumbayan.
TAHASAN KONG ITINATANGGI lahat ng akusasyon laban sa akin. Paggigiit ng dating sekretaryo ng DND, DILG, DENR, DOE, at iba pa (ni minsan ay hindi nakorpirma ng Commission on Appointment), Angelo Reyes. Nga ba? 
ALRIGHT SIR. Ang alright Sir ay sagradong mga kataga sa hanay ng mga PMAer. Sagrado as in walang bahid ni katiting na kasinungalingan ang isasagot ng sinumang Aer kapag ito ay hinahamon ng Alright Sir ng kapwa PMAer. Minsan ng hinamon, sa isang pagdinig sa senado, ni Senador Ping Lacson si Secretary Angelo Reyes. Umiwas pusoy ang sekretaryo.
SPECIALIST PAY kung tawagin ito. Nagkakahalaga ng 60TUS$ bawat buwan. Ito ay bahagi ng kompensasyon ng mga sundalo na naglilikongkod sa “Peace Keeping Mission,” para sa United Nations (UN). Ang halagang ito ay ibinabagi sa tropa. Sa loob ng mahigit isang dekada, tuloy-tuloy na nagpapadala ng contingent ang ating pamahalaan, ngunit, ni hindi alam ng ating mga sundalong naitalaga na doon na mayroon ganitong biyaya para sa kanila. Nagkaalaman lamang noong si Col. Ariel Querubin ang namuno ng isang batch na ipinadala doon. Siya ay isa sa mga panauhin ng inyong lingkod sa Kilatis Panday-lipunan noong Martes. Nga lang, kahit inamin sa kanya ng mga nakatataas na opisyal, wala pa rin silang balak ibahagi ang naturang biyaya sa mga dapat tumanggap nito. “Hindi ako suwapang,” ani Secretary, sa isang pagdinig sa senado.
HINDI LANG TALAMAK, GARAPALAN NA PATI ang kinawatan sa pondo ng bayan sa AFP. Ang kalakaran kayang ito ay nangyayari din sa PNP at iba pang ahensiya o sangay ng pamahalaan? Hindi nga ba may mga Euro Generals kung tagurian? Hindi ba’t ibinaba pa nga ni noon ay Chief PNP Ping Lacson sa mga Chief of Police ang pondo noong kapanahunan niya upang maiwasan ang pangungulimbat sa gawing itaas? Nga lang, siya ay pinagkaisahan. Bumalik ba sa dating gawi ang kalakaran sa PNP matapos ang Edsahan 2? Di nga ba’t follow daw da lider? Dagdagan pa nang… “Tell me who your friends are and I will tell you who you are.” Sino nga ba ang best friend ni Gen. Carlos F. Garcia?
BULOK ANG SISTEMA SA COA. Hindi man maatim ni Heidi Mendoza na masira ang imahe ng ahensiyang nagpaputi ng maraming hibla ng kanyang buhok at pasamain ang loob ng mga kasamang matagal niyang kasalo sa baon. Bagamat para sa interes ng sambayanan at bayan, kinakailangan niyang magsalita ng pawang katotohanan. Kung bulok ang sistema sa COA, na kaunti lang naniniwala pa na hindi bulok, kinukumpirma lang nito ang matagal nang alam natin. May pag-asa pa kayang mabago ito? Kumporme lang iyan sa namumuno.
 HINDI MAAROK NI SENADORA MIRRIAM, kong papaano nangyaring nakapagpiyensa si Gen. Carlos F. Garci, akusado sa kasong pandarambong na non-bailable, gayong wala pa daw desisyon kung tatanggapin ng Sandiganbayan ang kanyang hirit sa inihain “Plea Bargaining Agreement.” Ibig sabihin, siya ay aamin sa mas magaang na kasong pagtanggap ng suhol lamang. Kasi nga naman kung nakatingga pa lang, pandarambong pa rin ang kaso ni Gen. Garcia. Eh bakit pinayagang magpiyensa? Ano! Hiyaw ng senadora sa mga taga Sandiganbayan. Hindi kayo nag-iisa senadora. Si Atty. Alam Paguia man ay mawiwindang din ang pag-iisip.
 HINDI RIN MAAROK ni Atty. Alan Paguia kung papaano nangyari na 70 porsiyento ang hanong ginto ng mga maliliit na miniro samantalang 30 porsiyento lamang ang sa mga dambuhalang kompanya ng pagmimina. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang mga hango ng mga maliliit na miniro ay siya lang napupunta sa Bangko Sentral samantalang inilalabas ng bansa ang hango ng malalaking kompanya. Hindi ba tayo naiisahan dito? Lumutang ang impormasyon noong Martes, sa Kilatis Panday-lipunan, Pulong Balitaan ng inyong lingkod. Si Director Leo Jasareno ng Mines and Geosciences Bureau ang isa sa mga resource person. Dagdag pa ni Direktor, wala ding share ang pamahalaan sa mga gintong  nahahango. Excise tax lamang ang binabayaran, aniya ng mga kompanya ng pagmimina.
 BININIGYANG BABALA NI Direktor Jasareno ang mga nasa gawing kanluran (East) sa buong bansa. Lalong-lalo na ang mga lugar na mababa at tabing bundok. Baha at pagguho nang lupa ang maaring dulot ng La Nina phenomenon. Papano malalaman ang mga lugar na nasa balag ng alanganin? Lahat ng mga Punong Barangay Chairman at mga Alkalde ay binigyan ng kopya ng report ni Direktor. Mga sir, handa na ba ang inyong mga Disaster Brigade?
WALANG KAKIBI-KIBO ang korte suprema sa nakatingang usaping impeachment laban kay Ombudsman Merciditas Gutierrez. Kumibo-kibo baka maestrok. Ang korte ay binubuo ng labing limang mahistrado. Labing apat sa kasalukuyang mga mahistrado ay naitalaga ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang mismong punong-bantay ng korte, Chief Justice Renato Corona, bukod sa naitalaga ng dating pangulong GMA, buong-buo ang paniwala ni PNoy na ang pagkatalaga sa kanya ay isa ding “midnight appointment.” Tanong ng mga kapwa pinoy… “saang kangkongan tayo dadamputin nito?” 

-0o0-

Subaybayan ang KILATIS Panday-lipunan, 4:30 to 5:30, Lunes hanggang Biyrernes at PULONG BALITAAN, 8 hanggang 10 ng gabi, Lunes hanggang Sabado sa: http://www.facebook.com/l/d9a87JaGiZiSRvvgamQvGdsjObA;www.batasmedia.com  
Iparating ang inyong komento, suhestiyon, o impormasyon sa CP No.:(0916)731-0183; email – kitkilatis@yahoo.com
Sixto Baflor Lagare 8:22am Feb 6
LINIS KALAT NINA GMA & COMPANY

ANG PAGTUTUWID NG LANDAS na pinagsusumikapan tahakin ng administrasyon ni PNoy ang pilit pinipilipit ng mga tatamaan. Terorismo, kanilang panlaban para lumihis ang usapan?
KALKALAN at SIBAKAN, mga ginawang katiwalian, at ang mga midnight appointees ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang mga unang-unang inatupag...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 



KILATIS

BY KIT “KILATIS” LAGARE

Posted: January 8, 2011

11:58 am

 

TAGAPAMAYAPA

 

Ang Lupong Tagapamayapa ay hanay ng mga tagapamagitan sa mga sigalot na idinudulog sa barangay. Halimbawa’y usaping singilan ng pagkakautang na hind lalagpas sa limang libong piso, hidwaan ng nga mag-asawa, magsyota, magkapatid, magkapitbahay, at mga kahalintulad (kasama na ang mga masasagwang banggitin pa) na maliliit na usapin lamang. Ayon sa Local Government Code, ito’y magsisilbing mainam na...


Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
KILATIS
BY KIT “KILATIS” LAGARE
Posted: January 8, 2011
11:58 am

TAGAPAMAYAPA

Ang Lupong Tagapamayapa ay hanay ng mga tagapamagitan sa mga sigalot na idinudulog sa barangay. Halimbawa’y usaping singilan ng pagkakautang na hind lalagpas sa limang libong piso, hidwaan ng nga mag-asawa, magsyota, magkapatid, magkapitbahay, at mga kahalintulad (kasama na ang mga masasagwang banggitin pa) na maliliit na usapin lamang. Ayon sa Local Government Code, ito’y magsisilbing mainam na alternatibo upang mabawasan ang mga kasong naisasampa sa mga hukuman. Ngunit walang karapatang magbaba ng hatol ang naturang lupon, kaya kung hindi mapagkasundo ang magkabilang panig, sa husgado pa rin tutuloy ang kaso. Ang lupon ay pinamumunuan ng Punong Barangay.

Balak italaga ni PNoy ang kanyang running mate noong nakaraang halalan na si dating senador, Mar Roxas, bilang Punong Tagapamayapa ng Malacanang. Agad naghiyawan ang kung tagurian ng Pangulo ay “noisy minority.” Bakit, tanong nila, may gulo ba sa Malacanang? Nagkakarambola na ba ang grupong Balay at Samar?

Ang balay, kapwa-Pinoy, ay ang tawag sa bahay ng dating senador Mar Roxas sa Cubao. Sa Ilongo kasi ang tawag sa bahay ay balay. Ilongo ang tatay ni dating senador Mar. Ang balay ang ginawang general headquarters, lalong-lalo na ng mga grupong nagtaguyod ng Aquino-Roxas tandem, noong nakaraang halaan. Ang Samar naman ay grupo ng mga nagtaguyod ng Aquino-Binay tandem, kung saan ang kanilang general headquarters ay nasa Samar St., South Triangle, Quezon City. 

Ika ng aming Instructor noon sa Executive Development Academy, “kapag nagbabangayan ang inyong mga tauhan, maging kampanti ang inyong kalooban. Ngunit, datapwa’t subalit, kung sila’y nagngingitian at nag-aapiran, magduda na kayo at malamang-lamang, sila’y nagsasabwatan at gumagawa ng kaungasan.”

Malusog na kompetisyon ang kinakailangan ngayon ng ating bayan. Lalo’t sa nakalipas na mahahaba-habang panahon labis-labis na nasalaula ang pamamahala sa ating Lupang Hinirang. Taliwas sa paniniwala ng iilang maiingay, dapat pa nga’ng matuwa tayo, kapwa-pinoy, sapagkat malinaw na tungo sa “MATUWID NA LANDAS” ang tinatahak ng mga tagapagsilbi sa Palasyo ng Malakanyang. At, tiyak naman na malalaman natin sakaling kabaliktaran na ang kanilang mga ginagawa, dahil nasanay na tayong kumilatis sa mga kaungasang gawain. Salamat sa nakaraang administrasyon. Sa sandamakmak na kaungasang ginawa nila, naging eksperto tayo pare-pareho. May mga PhD. na yata tayo, di ba?

Hindi ko lubos maisip kung bakit ikinukumpara ng ilang kritiko ang estilo ni PNoy, sa estilo ni GMA. Sa mga ganitong pagkakataon, ika nila, ganito ang ginawa ni PGMA. Bakit hindi ginagawa ni PNoy ang ganun? Tanong nila. Bakit, ganun ba kagaling si PGMA kaya dapat gawin siyang HUWARAN ni PNoy? 

Doon sa nagtatanong na: “Bakit, magulo ba sa Malakanyang kaya dapat may Tagapamayapa? Sagot. Itanong mo kay Winston Churchill bakit sila gumawa na ng mga “air raid shelter” bago pa sila binomba ni Hitler. Kaya lang baka sagutin ka ng tanong din… “Ungas ka ba, hihintayin mo pang bombahin ka muna bago ka gagawa ng mapagtataguan?

0oo0

Subaybayan ang Kilatis Panday-lipunan Live on iTV, 2 to 3 pm, Monday to Friday, at ang Kilatis Panday-lipunan, Pulong-balitaan, 10 pm to 12 mn, Fridays and Saturdays sa http://www.facebook.com/l/907db17SYDcheGIQWUjENzrhLzA;www.batasmedia.com, at sa News Update – Tabloid. Matutunghayan din ang mga larawan at kaganapan sa Pulong-balitaan sa wedsite: http://www.facebook.com/l/907db2W1PMPr9vMtGZw_zU0vHSA;www.kilatispandaylipunanan.weebly.com
Sixto Baflor Lagare 12:11pm Jan 8
KILATIS
BY KIT “KILATIS” LAGARE
Posted: January 8, 2011
11:58 am

TAGAPAMAYAPA

Ang Lupong Tagapamayapa ay hanay ng mga tagapamagitan sa mga sigalot na idinudulog sa barangay. Halimbawa’y usaping singilan ng pagkakautang na hind lalagpas sa limang libong piso, hidwaan ng nga mag-asawa, magsyota, magkapatid, magkapitbahay, at mga kahalintulad (kasama na ang mga masasagwang banggitin pa) n...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
Sa halip na promulgasyon, ito ang order na inilabas kaninang umaga:

Sandiganbayan 2nd Division
22 December 2010

It appearing that numerous unfounded comments have been made on the incidents pending in these cases that only confused the issue and do not in anyway serve the end of justice, the parties, their lawyers, and representatives are hereby ordered to refrain from issuing any press releases or granting any interview or otherwise making any comment or opinion on these cases pending the promulgation of the decision herein. So ordered

Edilberto Sandoval, Chairman, Second Division
Teresita Diaz-Baldoz, Associate Justice
Roland Jurado, Associate Justice

000

Mukhang nag-alangan ang Sandiganbayan sa punto ito. Maliwanag na kanila nang tinanggap ang pag-amin ni Maj. Gen. Carlos Garcia sa pagkakasala ng mas mahinang kasong "Direct Bridery," dahil inaprubahan na nila ang paglagak ng piyensa at dahil doon ay pansamantala ng lumaya si Heneral. Bakit hindi pa nila itinodo?

Paabiso lang sa Office of the Ombudsman, kaninang umaga kausap ng inyong lingkod, sa pamamagitan ng celfone, si Deputy Special Prosecutor Jesus Mecaela. Matigas ang kanyang paninindigan at walang kagatol-gatol niyang tinanggap ang hamon na kayang idepensa ng Office of the Ombudsman kahit sa Plaza Miranda ang kanilang sinang-ayonang "Plea Bargaining Agreement." Ito aniya, ay para sa kabutihan ng sambayang Filipino. Taliwas dito ang paniniwala nina Atty. Alan Paguia at Atty. Homobono Adaza. Kaya tinanggap nila ang paanyaya ng inyong lingkod at handa silang humarap sa naturang debate anumang oras. 

Ang hirit lang ni Atty. Mecaela, ang debate ay gagawin matapos na ilabas na ng Sandiganbayan ang promulgasyon.

Ang maidepensa sa Plaza Miranda ang anumang hakbang o gawain ng alinmang sangay o opisyal ng pamahalaan ang patunay na ito ay MAKATOTOHANAN, MAKATARUNGAN, AT KAPAKI-PAKINABANG PARA SA SAMBAYANAN.
Sixto Baflor Lagare 5:32pm Dec 22
Sa halip na promulgasyon, ito ang order na inilabas kaninang umaga:

Sandiganbayan 2nd Division
22 December 2010

It appearing that numerous unfounded comments have been made on the incidents pending in these cases that only confused the issue and do not in anyway serve the end of justice, the parties, their lawyers, and representatives are hereby ordered to refrain from issuing any press re...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
PAGPAPALAYA KAY HENERAL GARCIA,
KAYANG IDEPENSA NG OMBUDSMAN SA PLAZA  MIRANDA

Kahapon ng umaga kausap ko si Atty. Jesus Micael. Siya ang tumatayong Tagapagsilita ng office of the special prosecutor ng Office of the Ombudsman hinggil sa plea bargaining agreement sa kasong pandarambong laban kay Major Gen. Carlos Garcia. Pumayag siya sa live interview sa aking afternoon program, Kilatis live on iTV. Pagdating ng takdang oras, siya'y umatras. What else is new with the Office of the Ombudsman. Madalas nilang hini-HIT AND RUN ang taumbayan. 

Antayin na lamang daw ang pagpapalabas ng disisyon ng Sandiganbayan, ngayong umagang ito, hinggil sa "Plea Bargaining Agreement," na pinagkasunduan ng panig ni Gen. Garcia at ng Ombudsman - ang pag-amin ni Gen. Garcia sa mas mababang kaso ng direct bribery upang kalimutan ang kasong pandarambong laban dito. Umaasa ang OSP na kakatigan ng Sandiganbayan ang naturang kasunduan. Pagnagkataon, parang pakiramdam nila vindicated na sila. Magkakaroon daw ng presscon sa opisina ng ombudsman. Doon ko na lamang daw pakawalan ang aking mga katanungan.

Tila, hindi abot ng isip ng tagapagsalita na ibang usapin kung kakatigan o hindi ng Sandiganbayan ang kasunduan. Ang mas mahalang isyu na dapat linawin ng OSP at ng Office of the Ombudsman mismo ay kung bakit itinago nila ang kasunduang isang taon na pala nilang niluluto? Bakit pumayag sila gayung malakas ang ebidensiya laban sa Heneral? Bakit hindi kasama sa kasunduan na pangalanan ng Heneral ang kanyang mga kasapakat sa pandarambong?

Ang pag-amin ni Gen. Garcia sa direct bribery kasabay ng pagsuli ng 130M peso (barya lamang kumpara sa totoong halagang kinulimbat nila) ay katumbas na rin ng pag-amin sa kasong pandarambong. At, kahit na siya'y aamin sa kasong direct bribery lamang hindi ito dapat tanggapin ng Sandiganbayan. Bakit? Ito ay PANDARAMBONG pa rin! Bakit? Ang PANDARAMBONG ay pangungulimbat sa kaban ng bayan ng halagang 50M pesos pataas. At, alam ng kahit grade 1 section 11, na ang 130M pesos ay mas higit kaysa 50M pesos.

Katatapos lang naming mag-usap ni Atty. Jesus Mecael (12:10 pm, 22 December 2010). Hindi daw natuloy paglalabas ng Sandiganbayan ng desisyon. Na-postpone!? 

Sa matigas niyang paninindigan, naitanong ko kung kaya bang idepensa sa Plaza Miranda ng Office of the Ombudsman ang kanilang panig sa isyung ito. Oo daw. Kaya inaalok ko sa kanya ang aking Kilatis Media Forum. Imbes na tuwing araw ng Martes sa Rotary Center, kahit anong oras at araw ililipat ko ito sa Plaza Miranda at doon kikilatisin ang isyu. Pumayag naman siya. Antayin lang daw lumabas ang desisyon ng Sandiganbayan para walang sub judice. 

Abangan!!!
Sixto Baflor Lagare 12:47pm Dec 22
PAGPAPALAYA KAY HENERAL GARCIA,
KAYANG IDEPENSA NG OMBUDSMAN SA PLAZA MIRANDA

Kahapon ng umaga kausap ko si Atty. Jesus Micael. Siya ang tumatayong Tagapagsilita ng office of the special prosecutor ng Office of the Ombudsman hinggil sa plea bargaining agreement sa kasong pandarambong laban kay Major Gen. Carlos Garcia. Pumayag siya sa live interview sa aking afternoon program, Ki...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
Ayon sa tagapagsalita ng Office of the Special Prosecutor, Section 2 ng Rule 116 ng Rules of Court ang kanilang batayan kaya para palabnawin ang kaso laban kay Maj. Gen. Carlos Garcia. Sadya umano nilang
 isinekreto, mga isang taon na, ang inihaing "Plea Bargaining Agreement" para mapag-aralan daw nila ng husto. Alinsunod nga ba sa mga umiiral na batas at  makatarungan para sa sambayanang Pinoy ang kanilang ginawa? Iyan ang aking kikilatisin mamayang alas dos ng hapon sa aking programang "KILATIS Live on iTV. I-click lamang ito: http://www.facebook.com/l/66ff3XW7VI5D03VWpv065AbnsAg;www.batasmedia.com
Sixto Baflor Lagare 12:33pm Dec 21
Ayon sa tagapagsalita ng Office of the Special Prosecutor, Section 2 ng Rule 116 ng Rules of Court ang kanilang batayan kaya para palabnawin ang kaso laban kay Maj. Gen. Carlos Garcia. Sadya umano nilang isinekreto, mga isang taon na, ang inihaing "Plea Bargaining Agreement" para mapag-aralan daw nila ng husto. Alinsunod nga ba sa mga umiiral na batas at makatarungan para sa sambayanan...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 


KILATIS

Panday-lipunan

by Kit “Kilatis” Lagare

posted 19 December 2010

1:14 pm

 

MANGULIMBAT NG MALAKING HALAGA,

AYUSIN SA KONTING BARYA

 

Walang kwenta nga ba ang ating mga batas? Binaboy na naman ba ang ating mga batas? Mga bobo ba ang mga Hurado sa Second Division ng Sandiganbayan, sa pamumuno ni Presiding Justice Edealberto Sandoval? Sila kaya’y tinakot? Sinuhulan? Tinakot na, sinuhulan pa? Ito ang mga katanungan na bumabagabag sa isipan ng sambayanang Pinoy, matapos pans...


Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, January 8, 2011, In : KIT KILATIS 



Sixto Baflor Lagare

1:06pm Dec 19

KILATIS
Panday-lipunan
by Kit “Kilatis” Lagare
posted 19 December 2010
1:14 pm

MANGULIMBAT NG MALAKING HALAGA,
AYUSIN SA KONTING BARYA

Walang kwenta nga ba ang ating mga batas? Binaboy na naman ba ang ating mga batas? Mga bobo ba ang mga Hurado sa Second Division ng Sandiganbayan, sa pamumuno ni Presiding Justice Edealberto Sandoval? Sila kaya’y tinakot? Sinuhulan? Tinakot na, sinuhulan pa? Ito ang mga katanungan na bumabagabag sa i...


Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Tuesday, December 14, 2010, In : KIT KILATIS 

Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
KILATIS
By Kit “Kilatis” Lagare
Posted 11 December 2010
12:37 pm

ESPIRITU NG BATAS

KUDOS SA MATATAG ang paninindigan ni PNoy:  “Hindi ako papayag na apihin ang sambayanang Pinoy!” Ito ang kanyang tinuran matapos ideklara ng sham na hurado (bukod kay Chief Justice Corona), na labag sa saligang batas ang Executive Order (EO) No.1 – lumikha ng Truth Commission. 

Ang kanilang (mga Hurado) matunog na argumento (o argagomento), nilabag ng naturang EO ang “Egual Protection Clause” ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas kung saan ito ang nakasaad: “ARTICLE III BILL OF RIGHTS Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.” 

Sa ating wika natin: “Walang sinuman ang maaring pagkaitan ng BUHAY, KALAYAAN, o PAG-AARI nang walang kaukulang proseso alisunod sa batas. 
Ano naman ang DUE PROCESS, o kaukulang prosesong alinsunod sa batas? Bunsod ng EO, mapagkakaitan ba ng due process ang dating pangulo?
Sa maikling salita ito ay mahigpit na utos ng MAKAPANGYARIHANG MAMAMAYAN FILIPINO (the Sovereign Filipino People) sa pamamagitan ng saligang batas, na bigyan ng kaukulang ABISO at PAGDINIG bago HATULAN, ang sinumang akusado o pinararatangan ng anumang paglabag sa batas. Ito ba ay MAKATARUNGAN para sa lahat? Opo. 

Ito ba ay makatarungan para sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Ito ba ay makatarungan para sa sambayanang Pilipino? Matunog na argumento ba ang naging batayan ng Korte Suprema sa paggawad ng KATARUNGAN o ito ay isang ARGAGOMENTO DE BOBO? 

Para maliwanagan tayo, kilatisin po natin kung anong klaseng hayop nga ba ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE.”

BANAL NA KARAPATANG MAGHARI (Divine Right to Rule). Ito ang kalakaran noon sa marami panig ng mundo. Ang hari ay walang pananagutan sa kahit sino dito sa lupa dahil siya ay itinakda ng Dakilang Arkitekto ng Sanlibutan. Lahat ng tao sa kanyang nasasakupan ay mga alipin lamang. Hindi uso ang KARAPATANG PANTAO. Ito ang umiiral na situwasyon sa pagitan ng Great Britain at America noong sinaunang panahon. Kahalintulad din ng situwasyon ng ating bansa at ng bansang Espanya na sumakop sa atin noon, sa loob ng mahigit tatlong siglo.

NAPUNO NA ANG SALOP. Hindi na kinaya ng mga mamamayang Amerikano ang PAGKA-AROGANTE, PANGUNGULIMBAT, PAGYURAK sa kanilang pagtakatao at samo’t sari pang kaapihang natamo ng kanilang lipi. Isang Amerikanong tumutugon sa pangalang Patrick Henry ang nanindigan ng: “GIVE ME LIBERTY, OR GIVE ME DEATH!” Ibigay ninyo ang aking KALAYAAN, o ibinigay ninyo ang aking KAMATAYAN, aniya. Nagkaisa ang mga Amerikano at kanilang ideneklara ang kanilang kalayaan noong July 4, 1776. Ano ang kanilang batayan?

IBINASURA nila ang pangguyong BANAL NA KARAPATANG MAGHARI kapalit ng paniniwalang ”ALL MEN ARE CREATED EQUAL.” Ang paniniwalang ito ay siyang naging puso ng DEMOKRASYA: “We hold these truths to be self-evident, that all men are created equal, that they are endowed by their Creator with certain unalienable Rights, that among these are Life, Liberty and the pursuit of Happiness. That to secure these rights, Governments are instituted among Men, deriving their just powers from the consent of the governed, That whenever any Form of Government becomes destructive of these ends, it is the Right of the People to alter or to abolish it, and to institute new Government, laying its foundation on such principles and organizing its powers in such form, as to them shall seem most likely to effect their Safety and Happiness.”

MASAKLAP nga lamang, hindi napangatawanan ang PAGKAPANTAY-PANTAY na siyang pondasyon ng kalayaan ng Estados Unidos. Maraming pa ring alipin (Black Americans) sa America makalipas ang maraming taon ng kasarinlan. Kaya noong July 9, 1868, sa ika-14 na pagkakataon, muling sinusugan ang saligang batas ng Estados Unidos at dito na lumutang ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE.” Maraming batas ang binaliktad. Ang pagbabawal sa isang Negro na mapasama sa Jury, ang diskriminasyon laban sa mga Intsik sa negosyong paglalaba, ay ilang lamang sa mga naituwid ang landas.

DATAPWA’T nagpatuloy pa rin ang pagdapurak sa karapatan ng mga de-kulay ang balat na mga Amerikano. Si James “Jesse” Cleveland Owens, isang di pangkaraniwang atleta na African American na humakot ng Apat na Medalyang Ginto matapos magtatag ng tatlong world records at pantayan ang isa pa sa 1936 Berlin Olympics, ay ni hindi magawang imbitahan at parangalan sa White House ni Franklin Delano Roosevelt na noon ay pangulo ng Estados Unidos. Gayundin ang successor nitong si President Harry S. Truman. Bakit? 

Dahil sa diskriminasyon. Ayaw talagang intindihan o unawain ng karamihan ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE.” Dapatwat kahit manuwari’y nagkaroon din naman ng testimonial dinner, parangal para kay Jesse, ngunit matapos siyang pagsalitain agad siyang pinalabas sa venue. Ni hindi siya maaring maupo man lamang lalo’t higit kumain, sa Testimonial Dinner in his honor. 
Hindi nila matanggap na kapareho nila, mga anak din ng Diyos ang mga African Americans at iba pang de-kulay ang balat na mga ipinanganak o naturalays nang mamamayan ng Estados Unidos. Parang tayong mga Pilipino din sa panahon ng kastila. Hanggang ngayon ganoon pa rin ba?

NASAKSIHAN mismo ng noon ay pangulo ng US, President John F. Kennedy, kung gaano ka marahas binuwag ang rally na pinamumunuan ni Martin Luther King. Na imbento na kasi noon ang telebisyon. Kaya sa kanyang civil rights speech noong a-11 ng Hunyo 1963 humirit siya ng isang batas na magbibigay diin sa pagka PANTAY-PANTAY sa karapatan ng lahat ng mamamayang Amerikano, anuman ang kulay ng balat nito.

Ang panukala, gaya ng inasahan ay mahigpit na tinutulan sa kongreso. Ngunit, makaraang mapaslang ang pangulo noong taon ding iyon, at bilang pagbibigay-pugay na din, kasama na rin ang kaukulang respeto, nalagdaan ni President Johnson noong July 2 ang: “The Civil Rights Act of 1964.”  

LAYUNIN ng EO Numero Uno na lumutang ang KATOTOHANAN. Ang EO ay pabor din sa panig ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kung totoong malinis ang kanyang budhi. Muntik ko nang masabing “ayon sa kanya,” ngunit bigla kong naalalang ni minsan ay hindi niya pa TAHASANG ITINANGGI ang mga paratang laban sa kanya. At least, wala akong maalala. Maging ang kanyang mga kaalyadong kagaya ni Congressman LAGYAN (erratum: Lagman) ay hindi ko rin nakaringgan ng ganun.

MAGKATUNGGALI sa usaping ito (pagpapalutang ng katotohanan) ang dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo, et al, sa isang banda at ang SAMBAYANANG PILIPINO sa kabilang panig. KATAKOT-TAKOT na salapi sa kaban ng bayan ang ninakan (sa gitna na labis na kahirapan ng karamihan sa mga Pinoy)  diumano ng dating pangulo sampu ng kanyang mga kampon. Iyan po ang isyu sa usaping ito. Ang Kataas-taasang Hukuman (hindi KAGULANG-GULANGAN) naman ang siyang pinal na Referee.

NAKATALA na sa ating kasaysayan na kaya napa-upo sa puwesto ang dating pangulo (GMA) dahil sinabi ng Referee na nag bitiw na sa puwesto ang noon ay duly elected president, Erap Estrada. Tinawag nila itong ”CONSTRUCTIVE RESIGNATION.” Hindi natin alam iyon at huwag na ninyo hanapin kasi wala ito sa saligang batas. 

EXECUTIVE PRIVILEGE naman ang kanilang pauso para huwag malitis at manatili sa puwesto ang noon ay nakaupo (ngunit isinusuka na ng sambayanang Pilipino) nang pangulong GMA, laban sa mga aligasyon ng PAGNANAKAW NG KUWARTA ng kaban ng bayan, at pagnanakaw BOTO ng mamamayan sa halalan, at iba pa. 

Ika nga ni Ms. Susan Roces: “YOU STOLEN THE PRESIDENCY NOT ONCE BUT TWICE,” kay GMA.  

KAPWA KO PINOY, ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE” sa kasayasayan ng demokrasya sa United States of America, na ating kinopya, sa bao ng buko (in a nutshell), ito ang ay pananggalang ng mga maliliit laban sa MALALAKI. Panangga ng mga mahihina laban sa mga MALALAKAS. Proteksyon ng mga napaglalamangan laban sa mga Ganid, Manhid, at Abusado. Proteksyon ng mga langgam laban sa mga BUWAYA. 

NAWAGLIT, hindi lamang sa isang saglit, sa isipan ng sham na Hurado (excluding the CJ) ang ARTICLE XI sa saligang batas: ACCOUNTABILITY OF PUBLIC OFFICERS, kung saan nakasaad – Section 1. Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.

MALINAW sa hatol ng Korte Suprema na kinakailangan nilang protektahan ang isang langgam laban sa isang buwaya. Ang LANGGAM sa paningin ng Kataas-taasang Hukuma sa usaping ito ay walang iba kung hindi si GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. At, ang BUWAYA ay ang SAMBAYANANG PILIPINO. sa ayaw man natin o gusto. PAYAG BA KAYO!?

- 0o0 -

Patalastas: Ang Coronavirus ay madaling dumapo sa mga aso lalong-lalo na sa mga TUTA. Ang virus ay madaling naisasalin at mapaminsala sa tao. Para makaiwas sa pinsalang maaring maidulot ng CORONAvirus, IWASANG MAGDIDIDIKIT mga ASO’T TUTA!
Sixto Baflor Lagare 1:22pm Dec 11
KILATIS
By Kit “Kilatis” Lagare
Posted 11 December 2010
12:37 pm

ESPIRITU NG BATAS

KUDOS SA MATATAG ang paninindigan ni PNoy: “Hindi ako papayag na apihin ang sambayanang Pinoy!” Ito ang kanyang tinuran matapos ideklara ng sham na hurado (bukod kay Chief Justice Corona), na labag sa saligang batas ang Executive Order (EO) No.1 – lumikha ng Truth Commission. 

Ang kanilang (mg...


Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, November 27, 2010, In : KIT KILATIS 
Sixto Baflor Lagare posted in Media Pipol.
PRESS RELEASE
25 November 2010

Gov’t pension fund chiefs vow to restore trust, regain members’ confidence

“We will earn it one day at a time” 

“We envision GSIS to become the most service-focused agency in government – providing not just any kind of service, but responsive service.”

This was the message of  Robert Vergara, President and General Manager of the Government Service Insurance System, as he spoke Tuesday before the officials of the Department of Education-National Employees’ Union (DepEd-NEU), the country’s largest union of non-teaching personnel, in a forum held in Tagaytay City.

Vergara said the pension fund is working to improve its service delivery to all stakeholders especially teachers, who account for more than half of its membership base. 

He added, “in compliance with the marching order given by the President in his first 100 Days, the new administration will prioritize resolving the various problems of the teaching and non-teaching personnel of the Education Department.” 

The chief of the pension fund cited some of the measures being carried out by the agency to attain service-responsiveness:

1. Reduced the number of members’ unposted payments and  unreconciled account balances from P30 billion in September to P3.8 billion as of 2 November 2010. 

2. Improved access to GSIS services by tapping the Land Bank of the Philippines as additional depository bank to expand services for members and deploying more GW@Ps kiosks. By the first quarter of 2011, Land Bank will start servicing pensioners and gradually expand its services to include all GSIS members. At the same time, GSIS will deploy additional 500 GW@Ps Kiosks in line with the enrollment of members and pensioners to the Unified Multipurpose Identification (UMID) - compliant eCard.

 “No Secrets”
 
For his part, Daniel Lacson, Jr., Board Chairman, said the new GSIS Board will be consultative, transparent and service-focused. “We will engage our stakeholders wherever they are and we will always consult them.  In whatever we do, there will be no secrets and we will ensure we can defend in Plaza Miranda, any new policy, the Management and the Board will implement.”  

Lacson added GSIS is undertaking a comprehensive review of all the reform measures implemented in the past and evaluating their impact to the stakeholders. “ We have asked the different GSIS offices to tell us the history of these reforms so we can understand the reasons behind them.”

Vergara pointed out the review is all about “restoring the heart and the spirit of RA 8291 (Revised Government Service Insurance Act of 1997) which is to provide the basic social safety net to look after us in our old age.”

The Union presented a total of 21 national issues related to the GSIS’s policies and programs, which included the Premium-based policy, the Claims and Loans Interdependency Policy, and the recent move of the GSIS to put qualifications on the entitlement to survivorship pension. These policies, the Union said should be scrapped in the interest of all GSIS members and pensioners. 

Vergara committed that even as Management is finding the solutions to these concerns, their implementation will take some time. “So I ask for your patience and understanding.”

He vowed GSIS “will work tirelessly to regain your confidence and trust.  And we will do this the only way I know:  we will earn it one day at a time.”

DepED-NEU and GSIS Cooperation 

Atty. Domingo Alidon, national president of the DepED-NEU, said the presence of both the Chairman and PGM to the Forum, ushers a new era of cooperation between the GSIS and the Union. “This is the first time that we hear GSIS officials facing our issues squarely. Gone are the days that we fight GSIS and take our issues to the streets.” 

The DepED-NEU pledged its full support to the new GSIS member-friendly administration. “Nakahanda ang unyon na makipagtulungan  sa bagong pamunuan ng GSIS para makahanap ng solusyon sa mga problemang idinulog namin sa kanila. Mag-sasagawa ang unyon ng regular na konsultasyon kasama ang GSIS.”
Sixto Baflor Lagare 4:36pm Nov 25
PRESS RELEASE
25 November 2010

Gov’t pension fund chiefs vow to restore trust, regain members’ confidence

“We will earn it one day at a time” 

“We envision GSIS to become the most service-focused agency in government – providing not just any kind of service, but responsive service.”

This was the message of Robert Vergara, President and General Manager of the Government ...

Continue reading ...
 

KILATIS (PANDAY-LIPUNAN)

Posted by Batas Internet Media on Saturday, November 27, 2010, In : KIT KILATIS 

PRESS RELEASE
25 November 2010

Gov’t pension fund chiefs vow to restore trust, regain members’ confidence

“We will earn it one day at a time” 

“We envision GSIS to become the most service-focused agency in government – providing not just any kind of service, but responsive service.”

This was the message of Robert Vergara, President and General Manager of the Government Service Insurance System, as he spoke Tuesday before the officials of the Department of Education-National Employees...

Continue reading ...
 
« Back to posts
 

Categories

Recent Posts

Blog Archive

Subscribe to this blog   Subscribe to this blog
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola