Jalosjos: Dapitan ready for Palaro


BY ATTY. BATAS MAURICIO


LIFE’S INSPIRATIONS: “Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding. In all your ways acknowledge Him and He will make your path straight…” (Proverbs 3:5-6, the Holy Bible).

-ooo-

DAPITAN READY FOR PALARO 2011: “We are ready!” Former Zamboanga del Norte 1st  District Rep. Romeo “Nonong” Jaloslos gave this assurance other day, saying that Dapitan City is already ready even a month before the actual staging of the 2011 Palarong Pambansa on May 8-14.

Jalosjos, the chairman of the executive committee for the annual games, said that the facilities and venue will be finished “on time”, echoing pronouncements made last week by City Engineer and Palaro Sports Facilities, Playing Venues, and Billeting Committee Chair Elmer Villoria.

This developed after Education Secretary Armin A. Luistro announced, after his personal ocular inspection of the venue last Sunday, that Dapitan is now officially tapped to be the host of this year’s Palaro.

Jalosjos said that the organizing  committee has already put in place everything in the venues and preparations are  “finished.” He said he is confident that  deadlines will be met,  and that all venues will be operational by the time that Dapitan City will receive more than 10,000 athletes, officials and guests.

-ooo-

P300 M ALREADY SPENT FOR PALARO 2011 PREPARATIONS: The former lawmaker also said that as much as P300 million has already been spent for the construction of Palaro 2011 facilities in Dapitan. This amount came from  contributions from the local government units within the province and from neighboring provinces.

It can be recalled that just last week, Luistro proclaimed in front of a throng of well-wishers, led by Zamboanga del Norte Gov. Rolando Yebes and Jalosjos, that the City of Dapitan has created a miracle. 

Luistro made the remark after observing first-hand the furious construction during his recent ocular inspection. Speaking after a sumptuous lunch, Luistro disclosed that that was his first visit to the would-be Palaro site, and the second time for his Assistant Secretary, Tonisito Umali.

-ooo-

DEPED HAPPY WITH DAPITAN VENUE: The DepEd secretary was forthright and honest in disclosing that several months back, the DepEd was no longer sure of holding the Palaro in Dapitan and for that, he sent Umali for a visit. Umali met with contractors for written guarantees endorsed by Dapitan City Mayor Jun Jalosjos that the facilities will be ready by May.

However, after his recent visit, including a tour to the grandstand site construction, the swimming pool, the convention center and schools, the DepEd Secretary was made a believer.


---



Jalosjos: Dapitan handa na sa Palaro



INSPIRASYON SA BUHAY: “Pagtiwalaan mo ang Panginoon ng iyong buong puso, at huwag panghawakan ang iyong sariling pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga gawa, unahin mo Siya, at itatama Niya ang iyong mga landas…” (Kawikaan 3:5-6, Bibliya).

-ooo-

DAPITAN HANDA NA SA PALARO 2011: “Handa na kami!” Ito ang paniniyak na ibinigay noong isang araw ni dating Zamboanga del Norte 1st District Rep. Romeo “Nonong” Jalosjos ukol sa kahandaan ng Dapitan City sa pagpapatupad ng 2011 Palarong Pambansa, kahit na isang buwan pa bago ito idaos sa Mayo 8-14.

Sinabi ni Jalosjos, ang chairman ng executive committee para sa taunang pambansang palakasan, na ang mga gamit at pagdarausan ng Palaro ay tapos na sa tamang panahon, gaya na rin ng nauna ng ipinahaya ni City Engineer at Palaro Sports Facilities, Playing Venues and Billeting Committee Chair Elmer Viloria.

Kaalinsabay ito ng anunsiyo naman ni Education Secretary Armin A. Luistro matapos ang kanyang inspeksiyon sa lugar ng Palaro noong Linggo na ang Dapitan na nga ang siyang magiging host ng Palaro sa taong ito.

Ayon kay Jalosjos, nailagay na sa ayos ng organizing committee ang lahat ng mga kailangan. Sinabi niyang kumpiyansa siyang ang mga deadlines ay maisasakatuparan at ang lahat ng mga venue ng paligsahan ay magagamit na sa sandaling magdatingan sa Dapitan ang humigit-kumulang sa 10,000 atleta, opisyales at panauhin.

-ooo-

P300 M NA ANG GASTOS PARA PALARO 2011 PREPARATIONS: Ayon sa dating mambabatas, mahigit na sa P300 milyon na ang nagagastos para sa paghahanda at pagtatayo ng Palaro 2011 facilities sa Dapitan. Ang halagang ito ay galing sa mga kontribusyon ng mga pamahalaang lokal sa loob ng lalawigan at maging ng mga karatig-probinsiya.

Matatandaang noon lamang nakaraang linggo, ipinahayag ni Luisstro sa harap ng mga mamamayan ng Zamboanga del Norte na pinangungunahan ni Gov. Rolando Yebes at ni Jalosjos, na nakagawa ng milagro ang Lungsod ng Dapitan.

Ginawa ni Luistro ang pahayag matapos niyang mapagmasdan ng personal ang ginagawang mga paghahanda. Sa kanyang talumpati, ibinunyag ni Luistro na iyon ang kanyang unang pagdalaw sa lugar ng Palaro, at pangalawa na para sa kanyang Assistant Secretary, Tonisito Umali.

-ooo-

DEPED, OK  NA SA DAPITAN VENUE: Naging tapat ang Secretary sa pagsasabing ilang buwan lamang ang nakakaraan, hindi na kumbinsido ang DEPED na sa Dapitan pa nga itutuloy ang Palaro kaya niya inutusang bumisita si Umali. Nakipagkita si Umali sa mga contractors kung saan hiningi niya ang kanilang nakasulat na pangakong magiging handa ang Dapitan sa Mayo.

Kaya lang, matapos ang kanyang sariling pagbisita, kasama na ang inspeksiyon ng grandstand site, ang swimming pool, ang convention center at iba pang mga paaralan, nagbago ng isip ang Kalihim at naniwala na siyang sa Dapitan na nga itutuloy ang Palaro 2011.