Prayers for senators to reject RH bill

BY ATTY. BATAS MAURICIO

PRAYER FOR SENATORS TO REJECT RH BILL: Bishop Bert Mercado of the Council of Overseers of the Nations Evangelization sent to me an article on the Reproductive Health Bill with a request that it be published in our columns nationwide and even worldwide in the Internet. I am giving way to it today:

“Is It Right For Any Reason At All To Murder Millions of Filipino Children?

“In the afternoon of May 29,2011, our church fellowship began to pray to the Lord our God, the Creator of Heaven and Earth, the God of Israel, to move Philippine senators to reject the craftily-titled and craftily-worded `Reproductive Health Bill’ which de-criminalizes the killing of millions of unborn Filipino children through abortion.

“If you carefully read the bill, which is principally sponsored by Congressman Edcel Lagman  and maybe approved by the lower house, it has a provision which is not being incisively and decisively  discussed in media, which states that while the bill recognizes that abortion is illegal, the state should use its resources to help or assist women who undergo abortion. 

-ooo-

RH BILL MANDATES HELP FOR ABORTION? “Knowing the sinful nature of man, abortionists and women who wish to undergo abortion to cover their shame if their boyfriends disown their child, or if they wish to reduce the number of their children for whatever reason, will be emboldened to do abortion because when this bill is passed into law, abortion will no longer be a criminal act. 

“In fact, this bill even mandates the state to use its resources to assist women who undergo abortion for whatever reasons they have. AND THEY WILL INVENT ALL THE REASONS THEY NEED TO COVER UP THEIR CRIME OF MURDERING THEIR OWN CHILDREN!

“The Word of God explicitly declares that the unborn child, whatever length of days he or she has, is already a human being, created by God in His own image. Read these verses by heart:

“ `The word of the Lord came to me, saying, 'Before I formed you in the womb, I knew you; before you were born I set you apart; I appointed you a prophet to the nations…’ (Jeremiah 1:4).

-ooo-

GOD’S HAND IN CREATION: “ `Listen to me, you islands; hear this you distant nations. Before I was born, the Lord called me; from my birth He has made mention of my name. He made my mouth like a sharpened sword, in the shadow of His hand He hid me. He made me into a polished arrow and concealed me in His quiver. He said to me, 'You are my servant, Israel, in whom I will display My splendor…" (Isaiah 49:1-3).

“ `For You created my inmost being, You knit me together in my mother's womb. I praise you because I am fearfully and wonderfully made…My frame was not hidden from You when I was made in the secret place. When I was woven together in the depths of the earth, Your eyes saw my unformed body. All the days ordained for me were written in Your book before one of them came to be…’(Psalm 139:13-16).

“Read these other verses in the Bible: Job 14:5; Psalm 51:5; Isaiah 46:3-4; Isaiah 44:24; Matthew 1:20…” More of this article next issue, God willing.

---

Panalangin para sa mga senador sa RH bill

PANALANGIN UPANG TUTULAN NG MGA SENADOR AND RH BILL: Isang artikulo sa Reproductive Health Bill ang ipinadala sa akin ni Bishop Bert Mercado ng Council of Overseers of the Nations Evangelization, kalakip ang hiling niyang magamit ito sa ating mga kolum sa buong bansa at maging sa buong mundo, sa Internet. Bibigyang-daan po natin ito ngayon:

“May tamang dahilan ba para patayin ang milyong mga batang Pilipino?

“Noong hapon ng Mayo 29, 2011, ang aming simbahan ay nagdasal sa Panginoong Diyos, ang may-lalang ng langit at lupa, ang Diyos ng Israel, na pakilusin ang mga senador at tanggihan ang mapanlinlang na `Reproductive Health Bill’ na nag-aalis ng pananagutang kriminal sa pagpatay ng milyong mga di pa naisisilang na mga batang Pilipino sa pamamagitan ng abortion.

“Kung babasahing mabuti ang panukalang batas na ang pangunahing may-akda ay si Congressman Edcel Lagman at maaaring maaprubahan ng mababang kapulungan, mayroon itong bahagi na hindi napapag-usapan sa media, at nagsasabing bagamat kinikilala ng panukala na ang abortion ay labag sa batas, kailangang gamitin ng bansa ang kanyang kakayahan upang tulungan ang mga babaeng sumasailalim ng abortion.


-ooo-

RH BILL, NAG-AATAS NG TULONG PARA SA ABORTION? “Dahil sa likas na pagiging makasalan ng tao, ang mga abortionists at mga kababaihang sasailalim sa abortion upang itago ang kanilang kahihiyan kung itatanggi ng kanilang mga boyfriends ang kanilang mga anak, o di kaya ay upang limitahan ang bilang ng kanilang mga supling, ay mabibigyang-lakas loob ng nasabing batas, dahil hindi na krimen ang abortion.

 “Sa katunayan, ang RH Bill ay nag-uutos ding gamitin ng bansa ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang asistihan ang mga babaeng gagawa ng abortion anuman ang kanilang dahilan. At dahil dito, mag-iimbento ang mga ito ng samu’t-saring rason upang maitago lamang nila ang pagpatay sa kanilang mga anak.

“Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi ng diretso na ang batang hindi pa man isinisilang, anumang tagal na nito sa sinapupunan, ay isa ng tao na nilalang ng Diyos sa Kanyang wangis. Basahin po natin ang mga bahaging ito ng Bibliya:

 “ `Ang salita ng Diyos ay dumating sa akin at nagsabi, `Bago kita binuo sa sinapupunan, kilala na Kita; bago ka pa man isinilang, itinangi na Kita; itinakda na Kitang isang propeta ng mga bansa…’ (Jeremias 1:4).

-ooo-

KAMAY NG DIYOS SA PAGLALANG: “ `Pakinggan ninyo ako, mga bayan: bago pa man ako isinilang, tinawag na ako ng Panginoon; mula sa aking pagsilang tinawag na Niya ang aking pangalan. Ginawa Niya ang aking mga bibig na tila matalas na espada, itinago Niya ako sa likod ng Kanyang kamay. Ginawa Niya akong sibat at sinabi Niyang ` Ikaw ang aking alipin, Israel, na magpapakita ng Aking kadakilaan… (Isaias 49:1-3).

 “ ` Tunay nga, Ikaw ang naglalang sa akin, Ikaw ang humabi sa akin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Pupurihin Kita sapagkat ako ay Iyong ginawa…Hindi naitago sa Iyo ang aking katawan. Ang mga mata mo ang nakakita sa aking katawan bago pa man ito nagkahugis…” (Awit 139:13-16).

“Basahin din po ninyo ang iba pang mga bahaging ito ng Bibliya: Job 14:5; Psalm 51:5; Isaias 46:3-4; Isaias 44:24; Mateo 1:20…” May kasunod pa po ito, kung pahihintulutan ng Diyos.