“Parental failure” killed the boys!

BY ATTY. BATAS MAURICIO

LIFE’S INSPIRATIONS: “…May the grace of the Lord Jesus Christ, and the love of God, and the fellowship of the Holy Spirit be with you all...” (2 Corinthians 13:14, the Holy Bible).

-ooo-

“PARENTAL FAILURE” KILLED THE BOYS: The real issue in the fatal shooting of a 16 year old boy by his 13 year old “special male friend” inside the SM Mall in San Fernando City, Pampanga is “parental failure”, or the evident inability of the parents of the two boys to really guide them while they were growing up and steer them to a life with the  holy fear and love of God.

Based on a suicide note recovered from the13 year old boy just minutes after he also shot himself, it would appear that the boys, at their young age, were already having a three-way secret love affair which was doomed from the start---it was not only a premature relationship, it was even a relationship which, when viewed from the Bible and human laws, constituted a curse and a violation of the law because of its homosexual nature.

If the parents of the boys were not remiss in their duties, especially in the duty to raise them up in the training and instruction of the Lord, as Ephesians 6:4 of the Bible says, this sad conclusion of the boys’ lives could have been prevented.

-ooo-

BIBLE SAYS HOMOSEXUALITY IS A CURSE: The Bible is definite that a homosexual relationship, whether it be male to male or female to female, is a punishment and a curse from God. This is clear from Romans 1:18, 21, 24 and 26-27, thus: “The wrath of God is being revealed from heaven against all the godlessness and wickedness of people…

“For although they knew God, they neither glorified him as God nor gave thanks to him… Therefore God gave them over in the sinful desires of their hearts to sexual impurity for the degrading of their bodies with one another…

“… their women exchanged natural sexual relations for unnatural ones. In the same way the men also abandoned natural relations with women and were inflamed with lust for one another. Men committed shameful acts with other men…”

-ooo-

GOD’S CURSES, PART XI: On top of the curse of homosexuality, there are many other curses from God, given by Him to those who no longer listen to Him and who no longer obey His commands, enunciated under Deuteronomy 28:15-68 of the Bible.

This is a continuation of the list of curses: “… Because of the suffering your enemy will inflict on you during the siege, you will eat the fruit of the womb, the flesh of the sons and daughters the Lord your God has given you.

“Even the most gentle and sensitive man among you will have no compassion on his own brother or the wife he loves or his surviving children, and he will not give to one of them any of the flesh of his children that he is eating. It will be all he has left because of the suffering your enemy will inflict on you during the siege of all your cities…”


----


“Parental failure” ang pumatay sa 2 bata!



INSPIRASYON SA BUHAY: “… Nawa’y sumainyo ang biyaya ng Panginoong Kristo Jesus, at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo…” (2 Corinto 13:14, Bibliya).

-ooo-

“PARENTAL FAILURE” ANG PUMATAY SA MGA BATA: Ang tunay na isyu sa pamamaril sa isang 16 na taong batang lalaki ng 13-taong gulang niyang “espesyal na kaibigang lalaki” sa loob ng SM Mall sa San Fernando City, Pampanga ay “parental failure”---o ang kabiguan ng kanilang mga magulang na gabayan ang mga bata habang sila ay lumalaki, at kabiguang turuan silang mamuhay ng may takot at pagmamahal sa Diyos.

Batay sa sulat na nakuha sa 13-taong bata matapos siyang magbaril din sa kanyang sarili, lumilitaw na ang mga batang ito, sa kanilang murang edad, ay mayroon ng relasyon kasama ang isa pa, bagamat ang relasyong ito ay bigo sa umpisa pa lamang---hindi lamang kasi ito di-napapanahon, isa itong relasyong isinumpa ng Diyos at ng mga batas ng tao, dahil nga sa pagiging lalaki ng lahat ng mga sangkot.

Kung hindi sana bigo ang mga magulang sa kanilang mga obligasyon, lalo na sa pagpapalaki sa mga bata ayon sa turo ng Panginoon gaya ng sinasabi ng Efeso 6:4 ng Bibliya, di nasa napariwara ang mga batang ito.

-ooo-

HOMOSEXUALITY, SUMPA AT PARUSA NG DIYOS: Maliwanag mula sa Bibliya na ang pagkakaroon ng relasyon ng lalaki sa lalaki at babae sa babae ay isang sumpa at parusa mula sa Diyos. Ito ang sinasabi ng Roma 1:18, 21, 24 at 26-27: “Ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit dahil sa kasamaan ng tao at kawalan ng takot nila sa Diyos…

 “Sapagkat, bagamat kilala nila ang Diyos, ni hindi man lamang nila Siya pinasalamatan o pinapurihan bilang Diyos… Kaya naman hinayaan sila ng Diyos sa kanilang masasamang pita ng laman, sa kasiraan ng kanilang mga katawan…

 “… ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipag-ugnayan para sa mga di-natural na pakikipagtalik. Ganundin, inayawan na ng mga lalaki ang natural na pakikipagtalik sa mga babae, at tinutupok sila ng pagnanasa sa kapwa lalaki. Gumagawa ng mga kahiya-hiyang bagay ang lalaki sa kapwa lalaki…” 

-ooo-

MGA SUMPA NG DIYOS, IKA-LABING ISANG BAHAGI: Maliban sa kabaklaan, marami pang ibang mga sumpa ang ibinibigay ng Diyos sa mga taong hindi na nakikinig sa Kanya at hindi na sumusunod sa Kanyang mga utos, gaya ng mga nakalista sa Deuteronomio 28:15-68 ng Bibliya.

Naririto po ang pagpapatuloy ng listahan ng mga sumpa: “… Dahil sa kahirapang ibibigay sa inyo ng inyong kaaway sa pagsalakay nila sa inyo, kakainin ninyo ang inunan ng inyong mga sinapupunan, at maging ang laman ng inyong mga anak na lalaki at babae na ibinigay sa inyo ng Diyos.

“Maging ang pinaka-mahusay na lalaki sa inyong hanay ay mawawalan ng pagmamahal sa kanyang sariling kapatid, o sa minamahal niyang asawa at mga anak, at hindi niya sila bibigyan ng laman ng kanyang mga anak na kanyang kinakain. Iyon na lamang kasi ang matitira sa kanya dahil sa hirap na ibibigay ng inyong kaaway sa kanilang pagsalakay sa inyo…”