TO : BATAS NEWS DESK

FM : LIGALIGIN NATIN

MEDICO-LEGAL AT CCIS SEMINAR SA IMUS, CAVITE

KAMAKAILAN, ginanap ang isang  seminar na dinaluhan ng mga opisyales at miyembro ng kapulisan mula sa mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Cavite. Naka-sentro ang talakayan sa iba’t-ibang anggulo ng gagawing imbestigasyon at paghalukay ng ebidensiya kagaya ng forensic evidence kapag may nangyayaring krimen. Marami tayong natutunan, dagdag kaalaman ‘ika nga sa mga katanungan na kung minsan ay gumugulo sa ating isipan. Kagaya na lamang ng pagkamatay ng isang tao. Sa pamamagitan ng “forensic autopsy” ay malalaman kung ang pagkamatay ng isang tao ay natural, homicide, suicide, accident or undetermined.

            Maraming paraan ng pag-iimbestiga, kapag ang krimen ay may minasaker o nabahiran ng dugo ang pagkamatay ng isang tao..sa pamamagitan ng “death investigation” ay malalaman kung ang kumalat na dugo sa pinangyarihan ng krimen ay para sa tao o hayop (syrology). Natutunan din natin sa naturang seminar ang pagkalap ng ebidensiya kung paano ang dugong nakadikit sa dingding o bed sheet ay may kanya-kanyang pamamaraan para ma-determina ang pagkakakilanlan ng pinanggalingan nito.

            Isa  sa topic na naging paborito  ng mga kapulisan ay ang isyu tungkol sa mga minomolestiya at ginagahasang kababaihan. Kahit pala ang pagpapatutsada sa pamamagitan ng “green jokes” ay puwede na tayong makasuhan. Hindi rin pala dahilan sa pagkawala ng “virginity” ng isang dalaga ang palaging pagsakay sa kabayo at pagbibisikleta. Ewan ko lang kung totoo ang narinig kong ito sa  lecturer na si  P/Supt. Ruby Grace Diangson,MD. Ang alam ko kasi mga kabayan kapag ang isang babae ay nangangabayo, siguradong hindi lamang masisira ang virginity nito…pihadong mawawarat  pati inuupuan nito lalo na kung matulin ang pag-renda sa kanyang sinasakyang molang kabayo.. Okey ba Col. Greg Evangelista? He he he . . . 

            Napag-alaman din ng inyong lingkod na may iba’t-ibang klase pala ng butas. Ayaw ko ng tumbukin kung kaninong butas ang tinutukoy ko dahil baka maging malaswa ang panulat ng inyong lingkod sa paningin ng ating mga giliw na mambabasa. Lima pala ang klase ng butas ng mga anak ni Eva. Siguradong matatagpuan ang karamihan ng mga ito d’yan sa lugar ng Mabolo sa Bacoor, Cavite at sa kung tawagin ay “area” sa Angeles, Pampanga.

            Ilan sa mga kapulisan na napansin nating natulala noong pinag-uusapan ang mga butas na ito ay sina Maj. Joselito Sisante (COP, Indang MPS), P/S Miguelito Descalzo (COP, Rosario MPS), PSI Juan Oruga, Jr. (COP, GMA MPS), PCI Mamerto Malubay (COP, Kawit MPS), Col. Reynaldo Galam (COP, Trece Martires CPS), PCI Armando C. Dimabuyu (COP, Carmona MPS), Col. Greg Evangelista (Gen. Trias MPS), Col. Placido at Supt. Joseph Javier ng Tanza MPS.

            Ginanap ang seminar sa Imus, Cavite Sangguniang Bayan Session Hall mula umaga hanggang hapon sa pag-oorganisa ni PCI Milagros N. Sanchez. Naging emcee ng okasyon si P03 Sarah Jane F. Drio.  Sinimulan ni P02 Asharani S. Lalwani ang programa sa pamamagitan ng panalangin. Ang pag-awit ng Pambansang Awit ay pinangunahan naman ni P03 Janet R. Aspuria. Si P/Supt. Josemarte T. Paras, Deputy Prov’l. Director for Operation ang nag-opening remarks na sinabayan naman ng ng pagpapakilala sa mga guest speaker ni P/Supt. Dario G. Roxas, Deputy Prov’l. Director for Admin.

            Hindi ko inabot ang pagbibigay ng mensahe ng aking kamag-anak na si P/Supt. Fausto Villegas Manzanilla, Jr., hepe ng Regional Investigation and Detection Management Division (RIDMD). Huli kong nakadaupang-palad si P/Supt. Manzanilla sa isang okasyon  noong ang inyong lingkod ay inosente pa para tumingin ng butas noong minsan siyang mapagawi  sa Brgy. San Vicente sa Sto. Tomas, Batangas.

             Ang mga lecturer ay ipinakilala naman ni P/Supt. Erosito N. Miranda, hepe ng Provincial Investigation and Detection Management Branch (PIDMB). Ang Medico-Legal and Criminal Composite Illustration System (CCIS) Seminar ay natapos sa panghuling pagbibigay ng mensahe ni Cavite Provincial Director P/S Supt. Danilo Lawas Maligalig.

oOo

            Kung may reaksyon, reklamo o suhestiyon..text lamang po kayo sa 0906-5582848. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa e-mail address ng inyong lingkod sa junmaligalig@yahoo.com. Makinig sa programang “Ligaligin Natin” sa BATAS ITV na matatgpuan sa internet website www.batas.media.com, Lunes hanggang Biyernes, tuwing ika 5:00 – 5:30 ng madaling araw. Trabaho po lamang at walang personalan.




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.