Mac Cabreros

Mar. 25, 2011

Liwanag sa dilim

Sa gitna ng dilim, may liwanag.

Ito ang mensahe ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Energy at Department of Environment and Natural Resources gayundin ng Commission on Climate Change at non-government organization na World Wide Fund, sa pagsusulong ng Earth Hour ngayong Sabado (Marso 26).

Ayon sa organizers, layunin ng isang oras na pag-switch off ng ilaw ganap alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi na imulat ang lahat hinggil sa pagbabago ng klima sa mundo at magkaisa upang maibsan o mapigilan ito.

Naiulat na nagkakaroon ng pag-init ng temperature sa kalawakan na siyang sanhi tagtuyot gayundin ang malalakas na bagyo at pagkatunaw ng yelo na nagpapataas ang level ng tubig sa dagat.

Napag-alaman ng Balita na suportado ito ng local government units o LGUs gaya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.