Mac Cabreros

Mar. 24, 2011

Mobile vending, legal na

          Dahil batid na ang pagtitinda sa kalsada ay paraan upang kumita ng ikakabuhay, ginawa nang legal ng Marikina City ang mobile vending.

          Batay sa Ordinance 04 series 2011, na iniakda ni Councilor Susana Magtubo, kailangan lamang magrehistro ang ambulant vendor sa Market Office magbayad P500 para sa taga-Marikina at P2,000 sa mga hindi taga-Marikina matapos magsumite ng papeles gaya ng sedula, barangay business permit, voter’s ID o certificate, at dalawang bagay na ititinda.

          Dito, bibigyan ng Market Office ang vendor ng health certificate, idenfication card, business vending certificate at uniporm na babayaran ng P125 kada isa.

          “We simply could not deny the fact that some residents rely on peddling to be able to earn a living. Legalizing and regulating their operation is a way of helping them earn decently and more substantially,” pahayag ni Mayor Del de Guzman.

          Binigyan-diin ni Mayor De Guzman na may limitasyon ang pagtitinda. Aniya, bawal ang ambulant vendor sa lugar na nakakasagabal sa daloy ng trapiko o paglalakad ng mga tao gayundin na dapat pairalin ang kalinisan sa lugar.

          “In as much as we would like to allow our peddlers to earn, we also would like to protect the welfare and promote the safety of the consuming public. Every individual that operates business in our city must be responsible for their operation. We believe that the creation of this ordinance gives our authorities and all concerned individuals the proper guidelines on mobile vending,” dugtong ni Mayor De Guzman.Mac Cabreros









(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.