Mac Cabreros

Mar 27, 2011

SY 2011-2012 sa Hunyo 6 – DepEd

          Ngayon pa lamang ay ipinabatid ng Department of Education (DepEd) na magbubukas ang klase para sa school year 2011-2012 sa Hunyo 6.

          Batay sa DepEd Order No. 28 na inilabas ni Education Secretary Armin Luistro, magtatapos ang school year sa Marso 30, 2012.

          Nakasaad sa DO No. 28 na kailangang makumpleto ng mga mag-aaral ang 202 na araw kung saan 180 na araw ay actual na nasa loob ng silid-aralan at ang natitirang 22 araw ay para sa iba’t ibang aktibidadgaya ng achievement test.

          Nabatid na agad ding pasimulan ang summer class ng mga kindergarten para maihanda nang husto ang lahat na batang limang anyos pagtuntong ng Grade 1.

          Papasimulan sa SY 2011-2012 ang universal kindergarten sa layuning mapataas ang retention ratehabang maibsan kung hindi man maresolba ang dropout.

          Natukoy sa pag-aaral ng DepEd na madalas tumitigil sa pag-aaral ang bata mula Grade 1 hanggang Grade 3 dahil hindi naihanda nang husto ang katawan at isip ng bata sa pagtuntong ng elementarya. Kawalan ng sapat na nutrisyon at kahirapan din ang pangunahing dahilan ng mataas na dropout rate. Mac Cabreros






(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.