Mac Cabreros

Mar 28, 2011

Umagapay sa biktima ng Ondoy, sinaluduhan

          Bagamat mahigit isang taon nang nakararaan, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ang pagtulong ng Oxfam Philippines sa mga naging biktima ng Ondoy.

          Sa panayam ng mamamahayag, ipinabatid ni Rizal Governor Jun Ynares na isinikad ng Oxfam ang 15-buwang post-Ondoy recovery project at naitayo ang disaster resilient communities sa lalawigan.

          Ginamit na gabay ng Pamahalaang Panlalawigan para mailatag ang disaster risk reduction and management plan ang mga rekomendasyon ng Oxfam gaya ng pagtiyak ng water, sanitation at hygiene oWASH at pagiging laging handa ng mga tao sa anumang kaganapan.

          “Mananatili ang pagtanaw ng utang na loob ng mga Rizaleños sa Oxfam dahil sa tulong na ibinigay ninyo at nangangako kami na ipagpapatuloy namin ang inyong nasimulan at pinag-ibayong programa para sa pagpapatayo ng mga disaster resilient communities sa buong lalawigan,” pasasalamat ni Gov. Ynares at Vice Governor Popoy San Juan. Mac Cabreros






(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.