Mac Cabreros

Mar 29, 2011

Prepaid na kuryente, pinag-aaralan pa – Meralco

          Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na masusing pinag-aaralan pa nila ang prepaid sa kuryente.

          Ginawa ni Mr. Marvin Gonsalves, senior manager ng Metering services Asset Management ng Meralco, ang pahayag upang linawin ang ulat na nakatakdang ipatupad ang naturang bagong serbisyo sa buwan ng Hunyo.

“Pinag-aaralan natin mabuti ito. Wala pang petsa ang implementasyon,” pahayag ni Mr. Gonsalves.

Nilinaw din ng Meralco na hindi nila empleyado si Roland Arrogante, na pinagmulan ng impormasyon hinggil sa imlementasyon ng pre-paid metering service sa Hunyo, kundi taga-Xen Energy Systems, Inc (XESI).

Sinabi pa ni Gonsalves na wala pa silang pormal na kasunduan sa XESI hinggil dito.

“Hindi pa naming nasusubok kung  uubra  sa  teknikal  na  pamantayan ng aming sistema ang kanilang mga metro,” dagdag ni Gonsalves.

“Wala  pa  kaming  inaanunsiyo  na implementation  date, prepayment  rates,  metering features at ibang detalye para sa aming planong prepayment metering service offering. Sa ngayon, nakapagsagawa pa lang kami ng ilang pilot tests at naniniwala kami na  kakailanganin pa ng mas maraming pagsusuri para matiyak ang tagumpay ng nasabing proyekto,” paglilinaw pa ni Gonsalves.

Nabatid na batay sa sistema, maaring bumili ng kuryente ang isang kustomer, na parang load sa selpon, at maari nitong gamitin sa nais nito. Mac Cabreros







(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.