Mac Cabreros

Mar 31, 2011

trahedya, naagapan

          Naiwasan ng Manila Electric Cooperative ang posibilidad na peligro o trahedya dahil sa maagap nilang pagkilos.

          Batay sa impormasyong nakalap ng Balita, inagapan ng mabilis na aksyon ng maintenance team ng Meralco ang natanggap na impormasyon hinggil sa nakaambang panganib ng depektibong poste ng kuryente sa Pasig City.

          “Nagpapasalamat po kami at inaksyunan ang aming concern,” pahayag ng nagbigay ng impormasyon.

          Pinatungkulan nito ang poste sa tapat ng Alexandra sa Meralco Avenue na may lamat at maaring matumba anumang oras dahil nakahilig na ito at sa sobrang bigat bunga ng malalaking transformer na nakakabit dito.

          Ipinabatid nito na pinalitan ng bago at mas matibay na poste ang naturang peligrosong poste. Mac Cabreros










(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.