Mac Cabreros

Mar 31, 2011

DepEd, pribado na?

          Pinapatakbo na ba ng pribado ang Department of Education (DepEd)?

          Ito ang tanong ng ating kababayan dahil sa matinding higpit ng seguridad na pinapairal dito.

          Batay sa reklamong nakarating sa Balita, hindi nagpapasok kung walang dalang identification card.

          “Paano na lang kung naiwan ang ID at galing pa kami ng malayong lugar?” nanggagalaiting pahayag ng impormante.

          “Nagpunta lang naman kami sa DepEd para kumuha ng impormasyon. At puede namang maglog-in, di ba?” dugtong nito.

          Magugunitang minsan ay hinigpitan ng pamunuan ng DepEd ang pagpasok ng mamahayag. Mac Cabreros







(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.