Mac Cabreros

April 8, 2011

Summer kinder, simula sa Lunes

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na handa na sila sa summer kindergarten na magsisimula ngayong Lunes (Abril 11).

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, nakalatag na lahat ang mga nararapat na hakbang para sa naturang pag-aaral ng may limang daang batang 6 anyos.

Sinabi ni Sec. Luistro na layunin ng naturang walong linggong pag-aaral o magtatapos sa Hunyo 3 na maihanda nang husto ang bata pagtuntong sa Grade 1 ngayong pasukan.

Ang mga sasailalim sa Kindergarten Summer Program o KSP ay mga batang 6-anyos na hindi pa nakapag-kinder, pabatid pa ng kalihim.

Naiulat na madalas tumitigil sa pag-aaral ang mga bata sa Grade 1 hanggang Grade 3 dahil hindi dumaan sa kinder o hindi naihanda nang husto ang kaisipan ng mga ito at hindi makasabay sa daloy ng pag-aaral. Mac Cabreros


(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.