Mac Cabreros

April 8, 2011

Bro: Ang pagtatapos ay panimula

          “Ang pagtatapos ay isa ring panimula. Isa itong pagsisimula sa pagharap at pagtanggap ng mas malaki pang tungkulin sa buhay.”

          Ito ang mensahe ni Education Secretary Armin Luistro sa graduation ceremony sa Payatas Elementary School sa Quezon City noong Huwebes.

          “Minamahal kong mga magsisipagtapos, sa paglabas natin sa pinto ng paaralan, lagi sana nating  isabuhay ang lahat ng ating mga natutunan,” wika pa Sec. Luistro. “At huwag sana nating kalimutan na ang tunay na layunin ng edukasyon ay ang makapaghubog ng mga mabubuting mamamayan.”

Binanggit din ng kalihim na tulad ng temang “Mga magsisipagtapos: Kaagapay tungo sa pagbabagong-anyo ng lipuna, Tugon sa hamon ng sambayana” ay isang naayon sa responsibilidad ng bawat mamamayan upang maging aktibo at isaayos ang pamilya at komunidad gayundin ang bansa.

Idinagdag ni Luistro na ang pagtatapos ay panahon din ng pagpapasalamat sa mga guro at magulang na humubog sa mga katauhan ng mga bata. Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.