Mac Cabreros

April 8, 2011

Dagdag suweldo ng guro, malabo – Luistro

          Inihayag ni Department of Education Secretary Armin Luistro na malabong magkaroon ng dagdag na sahod at benepisyo ang mga guro.

          Ayon kay Sec. Luistro, nakalaan na sa iba’t ibang programa at proyekto ang pondo ng kagawaran.

          Bagama’t ganito, sinabi ni Luistro na kanilang tinutukan ang kalusugan ng mga guro.

          “So far, wala pa tayong nakalaan na pondo para sa dagdag na suweldo ngayong taon. An gaming concern ngayon ay ang kalusugan n gating mga guro,” pahayag pa Luistro.

          Naunang inihirit ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang P6,000 umento dahil hindi na nakasasapat ang kanilang kinikita bunsod ng pagtaas ng bilihin at iba pang pangangailangan. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.