Mac Cabreros

April 9, 2011

DepEd, naalarma sa bayolenteng cartoon sa TV

        Ikinabahala ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang paglaganap ng bayolenteng cartoon sa telebisyon.

        Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, nababahala sila sa masamang epektong dulot ng maraming palabas sa telebisyon gaya ng cartoon.

        Aniyan, bukod sa pagiging bayolente ay bulgar pa ang ginagamit na pananalita na hindi magandang madinig ng isang bata.

        Bunsod nito, sinabi ng kalihim na patuloy ang kanilang panawagan sa top management ng mga television network na limitahan kundi ay magsagawa ng self censor sa pagpapalabas ng kanilang programa.

        Idinagdag nito na nakabubuting ipalabas ang mga mayroong magagandang values.

        “Umaapela tayo sa ibat-ibang pamunuan ng television stations na gumawa sila ng highly entertaining show na may good values,” pahayag ni Sec. Luistro.

        Kasabay nito, hiniling din ng kalihim sa mga magulang na gabayan ang kanilang anak sa panonood ng telebisyon.

        “Malaki ang impluwensiya sa mga bata ang mga palabas sa TV kaya kailangan na maging mapagbantay ang mga magulang” dugtong ni Luistro. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.