Mac Cabreros

April 9, 2011

85% ng Martial Law victims, nabayaran na

        Walumput limang porsyento ng 7, 526 biktima ng Martial Law noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos  ang nakatanggap ng $1, 000 danyos.

        Ayon kay Atty. Robert Swift, lead counsel ng human rights victims na nagsampa ng class suit sa United States laban sa pamilya Marcos at cronies, 6, 500 ang nabayaran sa pamamagitan ng Commission on Human Rights (CHR).

        “Under the difficult circumstances presented, such a success rate can be considered a home run,” pahayag ni Swift sa isang briefing.

        Inihayag naman ni Atty. Rod Domingo, abogado pa ng HR victims, na nakatakdang ipagkakaloob ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng tseke sa sunod na mga araw.

        Kabilang sa mga kilalang personalidad ang nakatanggap sina Fe Mangahas,Joel Lamangan, Nilo Olegario Sr.,para sa kanyang anak, Cecilia Lagman, para sa kanyang anak,  Antonio Lacaba para kay Emmanuel Lacaba, Beatriz De Vera, Edward Gerlock, Hilda Narciso, Lutgardo Barbo, Meinrado Paredes, Priscilla Mijares at Ruben Resus, na tinanggap ang tseke noong Pebrero 28 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

        May 16  processing centers sa buong bansa para mangasiwa sa pamamahagi ng bayad sa ML victims. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.