Mac Cabreros

April 10, 2011

LRT, balik operasyon

Balik ang normal na operasyon ngayong araw (Lunes) ng Light Rail Transit Line 1 matapos ang pansamantalang pagkatigil bunsod ng aksidente sa Roosevelth station sa Quezon City.

Inihayag ni LRTA Administrator Rafael S. Rodriguez, matapos ang dalawang buwan na masusing maintenance inspection at enhancement sa mga tren at riles, muling didiretso ang mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt.

"We allotted ample time for the refresher and re-training of all train operators in Line 1, and re-orientation on safety driving policy to keep them from figuring in rail-related accidents," pahayag ni Rodriguez.

Magugunitang pansamantalang natigil ang operasyon ng LRT Line 1 sa Roosevelt station nang magbanggaan ang dalawang tren nito noong Pebrero 18 at nasundan ng ilang aberya.

Pinahigpitan na rin ni Rodriguez  ang pagpapatupad ng karagdagang safety measures upang maiwasan ang aksidente. Mac Cabreros