Mac Cabreros

April 13, 2011

Parental censorship, kailangan sa bastos na palabas

          Ang pagbabantay at gabay ng magulang ang mabisang panlaban sa panonood ng mga bata sa maseselang palabas.

          Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni A Teacher Partylist Rep. Mariano Piamonte Jr., na bagamat may MTRCB na nagre-regulate sa mga palabas sa telebisyon at puting-tabing, nakabubuting bantayan at gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood.

          “Malaki ang responsibilidad ng mga magulang. Hindi dapat iasa na lamang sa gobyerno ang lahat,” pahayag ni Rep. Piamonte.

          Aniya, hindi naman mapipigilan o maiiwasan na manood ng telebisyon ang mga bata.

Idinagdag ni Piamonte na nararapat ding maging responsible ang mga telebisyon network sa pagpapalabas ng kanilang mga programa.

Ginawa ni Piamonte ang pahayag bilang reaksyon sa kontrobersya sa maseselang palabas gaya ng batang macho dancer ng Willing Willie gayundin ang pagsusuot ng maiksing damit ng mga dancer sa mga palabas. Mac Cabreros







(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.