Mac Cabreros

April 13, 2011

Tigil pasada, iniumang

Nagpahayag ang Pinagsamang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na magsagawa sila ng nationwide protest sa pamamagitan ng tigil-pasada kapag walang ginawang kongkretong hakbang ang gobyerno upang masolusyunan ang krisis sa langis.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Mr. George San Mateo, tagapagsalita ng PISTON, mapipilitan silang magsagawa ng tigil-pasada kapag walang aksyon ang gobyerno hanggang Mayo 1 para maresolba ang problema sa patuloy na pagtaas na presyo ng langis.

“We have no choice. Kailangang makapag-survive kami. Push to the limit na kami,” pahayag ni San Mateo.

Idinagdag ni San Mateo na balewala ang ipinagkakaloob na subsidy ng gobyerno dahil nawala ito nang magtaas ng P1.50 kada litro ang mga oil companies noong Martes.

Iginiit ni San Mateo na marapat at napapanahon na ibalik sa kontrol ng gobyerno ang oil industry at alisin ang value added tax. Mac Cabreros







(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.