Mac Cabreros

Feb. 11, 2011

Oh My Gulay, sagot sa malnutrisyon

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na magiging susi para maresolba ang malnutrisyon ng mga batang mag-aaral ang Oh My Gulay program.

Ayon sa DepEd, layunin ng program na maituro sa mga bata ang kahalagahan ng pagtatanim at pagkain ng gulay.

OMG! is a  call-to-action campaign that will address nutrient deficiency and promote healthy eating among school children by planting and eating vegetables,” pahayag ng DepEd.

Idinagdag ng DepEd na kaakibat ng programa ang pamamahagi ng punla at pagpupursigeng magtanim sa bakuran at loob ng paaralan.

Nabatid na isinusulong ng DepEd ang pagtatanim at pagkain ng gulay gayundin ang pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol upang masiguro ang magandang kalusugan ng bata.

Ito, ayon sa DepEd, ay natuklasang mas matalino at malakas ang resistensya ng batang kumakain ng gulay at nakasuso ng gatas ng ina.

Napag-alaman din na batay sa isinagawang pag-aaral, lumitaw na ang kawalan ng sapat na nutrisyon at hindi maganda ang kalusugan gayundin ang pagkakaroon ng sakit ang isa sa mga dahilan ng pagtigil sa pagpaaral ng isang bata na nagreresulta upang tumaas ang dropout rate, saan mula sa 100 pumasok sa Grade 1 ay 38 lamang ang nakakatapos ng high school. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.