Mac Cabreros

Feb. 11, 2011

EDSA run para sa edukasyon

          Sa layuning makalikom ng pondo para makapagpatayo ng gusaling pampaaralan at mapunan, kung hindi man maresolba, ang kakulangan ng silid-aralan, magkakaroon ng EDSA run bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-25th anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

          Ayon sa Department of Education, pangungunahan ng iamninoy-iamcory runners group ang EDSA Run na itataguyod ng Ninoy at Cory Aquino Foundation.

          “The proceeds of the run will be used to build classrooms nationwide,” pahayag ng DepEd.

           Idinagdag ng DepEd na nais ng gobyerno na maging makabuluhan ang selebrasyon ng EDSA 1 alinsunod sa adhikain ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na matupad ang education for all (EFA) goal tungo sa pagkamit ng millennium development goals (MDG) targets.

          Nabatid na P8 bilyon lamang ang nakalaan para sa pagpapagawa ng 12,000 classrooms ngayong taon samantalang abot sa 152,000 ang kakulangan ng silid-aralan.

          Dahil dito, humingi ng tulong DepEd sa mga local chief executive para sa bayanihan program, kung saan maghahati sa gastos ang LGUs at DepEd sa pagpapatayo ng gusaling pamapaaralan. Mac Cabreros



(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.