VENDOR, LAPNOS SA SUNOG

 

Isang 32 taong gulang na vendor ang nasugatan sa sunog na naganap sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

 

Ang biktima ay nagtamo ng 2nd degree burn, matapos mabagsakan ng nagliliyad na kahoy ay nakilalang si Rolando de Mesa, may-asawa na nakatira sa 15 Countryside Avenue, Barangay Sta. Lucia, Pasig.

 

Nabatid mula kay Supt. Ricardo Perdigon, hepe ng Pasig Fire Department na ng sunog  ay naganap ng alas 2:58 ng madaling araw at nagtagal ng isang oras.

 

Sinasabing nagmula ang apoy sa tahanan ng negosyanteng si Rosario Bruno, 77 na mabilis na kumalat sa apat pang kalapit na  establisimyento.

 

Sa ngayon ay pa nagsasagawa ng masusing imbestigasyon si FO2 Roger Maravilla para matukoy ang pinagmulan ng apoy na sinasabing umabot sa isang milyong piso ang naabo sa nasabing sunog.




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.