Mac Cabreros

Feb. 12, 2011

OFW, nagbunyi sa natapos na tension sa Egypt

          Nakahingan ng maluwag ang ating kababayan sa Egypt dahil bahagyang humupa ang tension dito matapos na umalis sa Cairo si Presidente Hosni Mubarak.

          Batay sa impormasyong nakalap ng Balita sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA),  kabilang sa mga nakisama sa selebrasyon sa pag-alis sapuwesto ni President Mubarak ang mga overseas Filipino workers.

          “Makakabalik na sa kanilang pinagtatrabahuan ang ating kababayan,” pabatid ng POEA.

          Inaasahang babalik na rin ang takbo ng kalakalan sa Cairo na naging sentro ng protesta kontra sa pamahalaan ni Mubarak na naghari sa loob ng tatlong dekada.

          Nabatid na ilang OFW ang naiyak matapos na umalis si Mubarak at pamilya nito sa Cairo at isinalin ang pamamahala kay Vice President Omar Suleiman.

          Ngunit, mangilan-ilan pa rin ang nangangamba dahil hindi nakukuntento ang mga protester ang pagsasalin ni Mubarak kay Suleiman ang pamamahala sa gobyerno ng Egypt gayundin na malamang gagawa ng hakbang ang supporters ni Mubarak.

          Nabatid na ilang OFW ang umuwi sa bansa nang sumiklab ang kaguluhan at karahasan sa Tahrir Square sa Cairo, kung saan ilang protesters ang nagbuwis ng buhay at ilan ang nasugatan nang buwagin ng military ang hanay ng mga anti-Mubarak. Mac Cabreros



(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.