Mac Cabreros

Feb. 12, 2011

Gaano kabilis ang mabagal?

          Ito ang katanungan ng mga taga-Kalayaan C, Batasan Hills, Quezon City dahil napakabagal ang paggawa ng kalsada dito.

          Batay sa impormasyong ipinarating sa Balita, humigit-kumulang sa isang taon na ang ginagawang kalsada sa Kalayaan C sa likod ng Commission on Audit (CoA) partikular sa harap ng housing project ng Gawad Kalinga.

          “Ganito ba kabagal gumawa ng kalsada kung saan inaabot ng halos isang taon?” tanong ng mga residente.

          Pinatungkulan ng mga ito na ang ginagawang kalsada ay halos isang daang metro lamang ang haba.

          Ayon pa sa mga residente, kapansin-pansin ang mala-pagong na kilos ng mangilan-ilang trabahador kung saan pasulpot-sulpot at minsan ay halos isang linggong walang gumagawa.

          Nais ng mga residente na makarating ang kanilang hinaing sa kinauukulan lalo sa Pamahalaang Lungsod ng Quezon, na aksyunan ito dahil napakalaking epekto na ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Mac Cabreros






(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.