Mac Cabreros

Feb. 13, 2011

Suicide uli sa Marikina

Matapos ang pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines chief at dating Energy Secretary Angelo Reyes, isa na naming ama ng tahana ang nagpakamatay sa pamamagitan din ng pagbaril sa sarili sa Marikina City.

Agarang nasawi sanhdi ng isang tama ng kalibre 38 sa ulo si Marlie Dalusong, 56, retiradong emplyeado ng Fortune Tobacco at nakatira sa 49 Cristal St., Twinville Subd., Brgy. Parang, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-singko ng hapon noong Sabado nang maganap ang insidente sa loob ng banyo ng bahay ni Dalusong.

Bukod sa baril at basyo ng bala, nakuha ang suicide note sa kalahati ng yellow paper na nakasulat ang: “Patawarin nyo ako kung  nagawa  ko  man ang mga bagay na ito, Loise, Ian alagaan n’yo c mama at mga apo ko, pagod na ako. Mar.”

Kahapon ay inilibing sa Libingan ng Bayani si Reyes na nagbaril sa sarili sa harap ng puntod ng ina sa Loyola Memorial Park noong Pebrero 8. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.