Mac Cabreros

Feb 13, 2011

Simpleng korupsyon, tutukan

          Hindi lamang ang mga malalaking katiwalian at korupsyon sa lipunan kundi ang simpleng korupsyon gaya ng pangingikil ang dapat pagtuunan pansin ng mga otoridad.

          Ayon sa ilang driver na nakausap ng Balita, dapat aksyunan ng mga otoridad ang pangingikil ng mga traffic enforcer gayundin ang mga simpleng paghingi ng barya ng mga barker.

          “Nagsisimula sa maliit ang malaking masamang gawain. Dapat maalis sa bawat Pinoy ang ugaling pangingikil dahil isa itong simpleng korupsyon,” pahayag ng mga driver.

          Ginawa ng mga driver ang payak na kahilingang nabanggit sa gitna ng usaping anomalya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan nagkamal na malaking halaga ang mga matataas na opisyal dito.

          Idinagdag ng mga driver na batid ng lahat na kalakaran na ang pagbigay at paghingi ng halaga sa anumang transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Napag-alaman din  na ilang grupo ang itinatag para mabantayan ang katiwalian sa gobyerno gaya ng Transparency and Accountability Network at meron ding website na itinatag ni Brig. Gen. Danilo Lim para pagsumbungan ng anumang katiwalian.

          Marami na ring lumantad na whistleblower para ibunyag ang malalaking katiwalian sa gobyerno gaya ng NBN-ZTE deal, fertilizer scam at pabaon sa AFP. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.