Mac Cabreros

Feb. 14, 2011

Sa inyo na ang posisyon ko – Mayor Abalos

          “Kung gusto ninyo, sa inyo na ang posisyon ko. Kung gusto ninyo ay gawin rin ninyo sa akin ang ginawa ninyo kay Jun. Pero natitiyak ko na hindi papayag ang mga residente ng Mandaluyong!”

          Ito ang madamdaming pahayag na may halong hamon ni Mandalayong City Mayor Benhur Abalos nang ihatid sa huling hantungan ang kanyang kaibigan at political adviser na si Joselito “Jun” Torres noong Linggo.

          Inihayag ni Mayor Abalos na may bahid pulitika ang pagpaslang kay Torres noong Pebrero 5, na mismong kaarawan ng huli.

          Tinayang abot sa walong libong katao na pawang nakasuot ng kulay puti at itim na T-shirt na may nakasulat na: Katarungan para kay JT, ang sumama sa paghahatid sa labi ni Torres sa Paradise Cemeterydakong alas-3:30 ng hapon.

          Naiulat na bago ang pamamaslang, nasabi ni Torres kay Mayor Abalos na dapat mag-ingat ang huli dahil marami ang naghahangad sa puwesto nito.

          Umaasa rin si Mayor Abalos na madakip sa lalong madaling panahon ang mga salarin upang maibigay ang hustisya sa pamilya Torres. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.