Mac Cabreros

Feb. 16, 2011

Gulayan sa Paaralan, isusulong

          Sa layuning maibsan kung hindi man tuluyang maresolba ang kawalan ng sapat na nutrisyon ng mga mag-aaral, isusulong ng Department of Educaiton (DepEd) ang Gulayan sa Paaralan.

          Ayon sa DepEd, batay sa pag-aaral, isa kada tatlong bata ay mahina ang resistensya at payat o kulang sa nutrisyon.

          Dahil dito, ipupursige nila ang pagtatanim ng iba’t ibang gulay sa paaralan gayundin na himukin ang mga bata at magulang na magtanim din sa kanilang bakuran.

          Partikular na itatanim ang mga gulay na masusustansya gaya ng malunggay, kalabasa, ampalaya, spinach, okra, kamatis, talong, petsay at iba pa.

          Nabatid na kasalukuyang itinataguyod ng DepEd ang School-based Nutrition and Food Program.

          Inihayag din ng DepEd na kanilang susuportahan ang Oh My Gulay project ni Senator Egardo Angara, kung saan kaagapay ang DSWD at pribadong grupo gaya ng East-West Seed Company. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.