Mac Cabreros

Feb. 16, 2011

Merci, maawa ka sa bayan; magbitiw ka na

          Matapos na ideklara ng Supreme Court na may karapatan at sapat na batayan para dinggin ng Kongreso ang kasong impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Guttierez, ipinanawagan ng iba’t ibang sector para sa agarang pagbibitiw sa tungkulin nito (Guttierez).

          Isa sa nanawagan si Harvey Keh ng Kaya Natin Movement at inihayag sa Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, na panahon na upang harapin ni Guttierez ang akusasyon sa kanya.

            "Panaho na para harapin niya ang akusasyon," pahayag ni Keh. "Para maipagtanggol ang  sarili," dugtong nito.

          Idinagdag nito na panahon na rin upang kumilos ang ating gobyerno, lalo ang legislatura at judiciary, para maaksyunan ang korupsyon sa bansa.

          Naniniwala si Keh na madali ang pagresolba sa impeachment case dahil may sapat na bilang ng mambabatas na magsusulong sa kaso.

          Nais ng ilang sector na mapatalsik sa puwesto si Guttierez dahil sa kuwestiyunableng desisyon nito hinggil sa kontrobersyal na usapin gaya ng fertilizer scam at corruption sa Armed Forces of the Philippines na pangunahing nadadawit dito si Major General Carlos Garcia saan pumasok sa plea bargain ang gobyerno at Garcia. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.