Mac Cabreros

Feb. 18, 2011

Football, ituturo sa school, aprub

          Pabor ang Department of Education (DepEd) na maisamang maituro sa paaralan ang football.

          Ayon sa DepEd, maaring maisama ang naturang isports sa physical education ng mga bata.

          “Puede kung ang basics lamang ng laro ang ituturo,” pahayag ng DepEd.

          Napukaw ang atensyon ng publiko sa football matapos na magpamalas ng kagalingan ang grupong Azkals tulad ng pagpasok sa semifinals ng Suzuki Cup 2010 ng ASEAN Football Federation.

          Lalong nagkaroon ng hilig ang sambayanan sa football nang ilampaso ng Askals ang Mongolia, 2-0, kamakailan.

          Naiulat na handa ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina na maging “bahay” ng mga Azkals at magamit ang kanilang pasilidad sa Sports Complex para lalong makapagsanay ang mga ito.

Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.