Mac Cabreros

Feb. 18, 2011

Istudyante, umapela sa No permit, no exam policy

          Umapela ang grupo ng mga istudyante sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) na pagtuunan ng pansin at gawan ng paraan ang ipinapatupad na ‘No permit, no exam policy’ ng mga paaralan.

          Ayon sa League of Filipino Students at National Union of Students of the Philippines, dapat umaksyon sa lalong madaling panahon ang DepEd at CHEd dahil batay sa impormasyong kanilang nakalap ay maraming istudyante ang hindi pinapayagang makakuha ng exam dahil mayroon silang hindi nababayarang obligasyon.

          Kasabay nito, inihayag ng Kabataan Partylist na dudulog sila sa korte kapag hindi pinakuha ng exam ang mga may utang na istudyante.

          Bilang tugon, inihayag ng DepEd at CHEd na kanilang gagawin ang nararapat na hakbang. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.