Mac Cabreros

Peb. 20, 2011

Batid natin ang pahayag ng World Bank – DepEd

          Inihayag ng Department of Education (DepEd) na batid nila ang naging pahayag ng World Bank, saan iminungkahi na dapat buhusan ng resources ang primary at secondary education kesa tertiary o college education.

          Ito, ayon sa DepEd, ang dahilan kung bakit binigyan ng gobyerno ng pinakamalaking bahagi ng national budget bilang pondo ng kagawaran.

          “Ito rin ang dahilan kung bakit isinusulong natin ang enhanced K+12 program,” pahayag ng DepEd.

          Binanggit ng DepEd na alinsunod sa nasabing programa, maari nang makapasok sa trabaho o makapagsimula ng ikakabuhay sa pamamagitan ng pagtatayo ng mapagkakitaan gaya ng repair shop o maliit na negoso ang nakapagtapos dahil nahuhubog ng husto ang mga magtatapos ng senior high school bunsod ng komprehensibong curriculum saan pangunahing nakatutok sa skills at academic performance development ng bata.

          Naiulat na iminungkahi ng World Bank na dapat buhusan ng resources ang basic education dahil lumitaw sa pag-aaral na maliit na porsyento ng mga istudyante ang nakakatuntong sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.