Mac Cabreros

Peb. 23, 2011

Kandila, sanhi ng sunog sa Marikina

          Natumbang nakasinding kandila ang itinuturong dahilan ng sunog sa Marikina City madaling araw ng Miyerkoles.

          Ayon kay Chief Inspector Antonio Nasol Jr., ng Marikina Fire Department, sumiklab ang sunog ganap alas-4:19 ng madaling araw at nagtagal ng kalahating oras bago tuluyang naapula.

          Nagsimula ang apoy sa inuupahang kuwarto ni Zaldy Caraza ng #377 Shaw Avenue Extension, Brgy. Sto. Nino, Marikina City, ayon pa kay Chief Insp. Nasol.

          Mabilis na kulat ang apoy at nadamay na nasunog ang tindahan ng mag-asawang Lilia at  Nestor Nierva at ang sari-sari store ni Romeo Lucas.

           Napilitan ang mga residente sa nasabing lugar na gumamit ng kandila dahilan nawalan sila ng kuryente, dagdag ni Nasol.

          Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog na nagpaabo sa humigit-kumulang sa kalahating milyong pisong halaga ng ari-arian. Mac Cabreros



(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.