Mac Cabreros

Peb. 24, 2011

Bro: Takbo tayo

          Mismong si Education Secretary Armin Luistro ang isa sa mga mamuno sa EDSA run ngayong Pebrero 27.

          Batay sa impormasyong nakalap ng Balita, sasali si Sec. Luistro sa 5K run, bilang bahagi sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

          Nabatid na layunin ng EDSA run na makalikom ng pondo para sa pagpapatayo ng gusaling pampaaralan.

        “The proceeds of the run will be used to build classrooms nationwide,” pahayag ng DepEd.
        Idinagdag ng DepEd na nais ng gobyerno na maging makabuluhan ang selebrasyon ng EDSA 1 alinsunod sa adhikain ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino 
III na matupad ang education for all (EFA) goal tungo sa pagkamit ng millennium development goals (MDG) targets.
        Pangungunahan ng iamninoy-iamcory runners group ang EDSA Run na itataguyod ng Ninoy at Cory Aquino Foundation.

        Napag-alaman na P8 bilyon lamang ang nakalaan para sa pagpapagawa ng 12,000 classrooms ngayong taon samantalang abot sa 152,000 ang kakulangan ng silid-aralan.

          Dahil dito, humingi ng tulong DepEd sa mga local chief executive para sa bayanihan program, kung saan maghahati sa gastos ang LGUs at DepEd sa pagpapatayo ng gusaling pamapaaralan. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.