Mac Cabreros

Pebrero 27, 2011

118 OFW, dumating mula Libya

          Dumating sa bansa ang 118 overseas Filipino workers (OFS) mula Libya kahapon.

          Pasado alas-dies ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang mga OFW ang Gulf Air flight 154 na lulan ang nasabing bilang na OFW.

          Batay sa impormasyong nakalap ng Balita, ganap alas-kuwatro ng hapon nang darating naman ang 31 OFW at 36 sa alas-onse ng gabi.

          Kasabay nito, isang hotline ang itatag ng Migrante International sa Plaza Miranda ngayong araw upang may mapuntahan ng ating kababayan nagnanais makakalap ng impormasyon hinggil sa kanilang mahal sa buhay sa Libya. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.