Mac Cabreros

Pebrero 27, 2011

Danyos, tatanggapin ng biktima ng Martial law

          Pormal na matatanggap ng mga biktima ng Martial Law ang kanilang danyos ngayong araw.

          Sa isang seremonya sa Club Filipino, mapapasakamay ng unang batch ang kanilang $1,000 na bayad.

          Nabatid na asaksihan nina Atty. Rod Domingo, Atty. Robert Swift, Commission on Human Rights chair Etta Rosales, dating Senator Rene Saguisag at Fr. Joaquin Bernas ang nasabing pamamahagi sa $7.5 milyon na ipinagkaloob ng US court sa mga human rights victims noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos.

          Unang makakatanggap ng danyos ang mga taga-National Capital Region, ayon sa abiso na ipinarating sa mga mamamahayag. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.