Mac Cabreros

Pebrero 27, 2011

National Achievement Test, ipinagpaliban

          Ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) ang National Achievement Test o NAT.

          Ayon sa DepEd, imbes na Marso 4, gaganapin na lamang sa Marso 14 ang naturang test sa lahat na Grade 6.

Bunsod ito ng hindi maiwasang pangyayari gaya nang hindi pagkadala sa takdang panahon ang mga gamit at iba pang kakailangin sa naturang pagsusulit.

Nabatid na layunin ng NAT na pamamahalaanan ng National Education Testing and Research Center (NETRC) na matimbang ang kakayahan o kapasidad ng bawat istudyante bilang gabay para makagawa ng karampatang hakbang ang DepEd upang maituwid ang anumang pagkakamali at mapunan ang pakukulang tungo sa pagpapaangat ng antas o kalidad ng edukasyon sa bansa. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.