Mac Cabreros

Marso 4, 2011

4-buwang sanggol nadaganan, patay

          Nasawi ang isang apat na buwang gulang na sanggol na babae makaraang hindi sinasadyang nadaganan ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki habang sila ay natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Marikina City madaling araw ng Biyernes.

          Hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center si Rachele Berdan, ng  E. Dela Paz Street, Brgy. Sto. Nino, ng nasabing lungsod.

          Ayon sa otoridad, hindi nakahinga ang bata nang aksidenteng madaganan ng kapatid nito habang natutulog sila dakong alas-3:35 a.m.

          Panay ang luha at natulala ang ina ni Rachelle, ayon pa sa otoridad.

          Nabatid na hindi na ipinasuri ng pamilya Berdan ang bangkay ng sanggol sa Scene of the CrimeOperatives.

          Dadalhin ang bangkay sa San Pedro, Laguna para dito iburol. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.