Mac Cabreros

Marso 5, 2011

Sigaw ng taga-Mandaluyong: Ayaw naming sa droga

            Mismong si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang namuno sa kampanya kontra droga.

            Sa isang seremonya sa Mandaluyong City Hall ground noong Biyernes, binigyan diin ni Mayor Abalos na pursigido ang Pamahalaang Lungsod na labanan ang naturang social menace.

            “Hindi naming papayagan na masira ang kinabukasan ng mga taga-Mandaluyong dahil sa droga,” pahayag ni Mayor Abalos.

            Nakisama sa kampanya ang ilang kilalang personalidad gaya nina Samboy Lim, Jimmy Santos at Roxanne Barcelo gayundin ang mga barangay officials at iba’t ibang organisasyon gaya ng Boy/Girl Scouts.

            Naunang isinulong ni Mayor Abalos ang pagsasampa ng kaso laban sa isang pulis at walong empleyado ng pamahalaang lungsod na natuklasang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

            “Hindi pa tayo tapos…” diin ni Abalos at sinabing magkakaroon pa ng drug test sa mga empleyado, miyembro ng PNP, BFP, BMP at maging sa korte. Mac Cabreros





(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.