Mac Cabreros

Marso 5, 2011

Bro: Magtanim ng puno

          Bukod sa pagtatanim ng gulay, isusulong ng Department of Education (DepEd) ang pagtatanim ng puno.

          Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ipupursige nila ang pagtatanim ng mga istudyante, guro at magulang ng kahit sampung puno kada taon. Aniya, bahagi ito ng National Greening Program ng administrasyong Aquino na makapagtanim ng 1.5 bilyong sa loob ng anim na taon.

          Naunang hinikayat ng DepEd ang pagtatanim ng gulay at maging pangangalaga ng hayop sa bakuran upang may mapagkunan ng pagkain tungo sa pagbabawas sa kahirapan sa bansa.

          Ipinabatid ng DepEd na kanilang hihilingin sa Kongreso na magpasa ng batas upang gawing mandatory ang pagtatanim ng puno bago ito makatuntong sa entablado o payagang makapagtapos.

          Napag-alaman na layunin ng programa na mapangalagaan ang Inang Kalikasan. Mac Cabreros







(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.