Mac Cabreros

Marso 4, 2011

Hostage drama sa Mandaluyong, nagtapos na matiwasay

          Nabalot ng tensyon sa Neuve de Pebrero Street sa Barangay Addition Hills Village sa MandaluyongCity umaga ng Biyernes.

          Ito ay matapos na i-hostage ni Mark Alumino, 28, ang kanyang tatlong taon gulang na anak na babae.

          Ilang oras na tumagal na nakatutok ang patalim sa bata, ayon sa otoridad.

          Humupa lamang ang tensyon nang pakawalan ni Alumino ang anak matapos na mapakiusapan at mapahinuhod ni Brgy. Chairman Rodolfo Posadas, dagdag ng pulisya.

          Bago ang insidente, nagkaroon ng pagtatalo si Alumino at live-in partner nito dahil sa pagseselos ng lalaki na noo’y lasing sa alak, pagtatapos ng otoridad. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.