Mac Cabreros

Marso 4, 2011

Piso, dagdag-presyo ng langis

          Piso kada litro ng diesel, gasoline at kerosene ang itinaas ng ilang kompanya ng langis kahapon.

          Ayon sa oil companies, gaya ng Chevron at Flying V, dikta ng pandaigdigang pamilihan ang nagtulak sa kanila para galawin ang presyo ng kanilang panindang produktong petrolyo.

          Alas-12:01 ng hatinggabi epektibo ang price adjustment, abiso ng oil companies.

          Naiulat na umabot na sa $100 kada bariles ng Dubai crude.

          Naunang inihayag ng Department of Energy (DoE) na tiyak ang supply sa kabila ng tensyon saMiddle East lalo sa Libya dahil siniguro ng Oil Producers and Exporting Countries o OPEC na kanilang dodoblehin ang produksyon.

          Bilang hakbang, ipinursige ng DoE sa mga oil company na lakihan ang kanilang inventory o mag-imbak ng langis. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.