Mac Cabreros

Marso 6, 2011

Bro: Dasal sa OFW sa Libya

          Bilang pagpapakita ng pagmamahal at suportang moral at spiritual sa mga overseas Filipino workers na naiipit sa kaguluhan at karahasan sa Middle East lalo sa Libya, hiniling ni Education Secretary Armin Luistro sa mga guro at istudyante na mag-alay ng isang minutong panalangin bago magsimula ang klase.

          Sa pagpapalabas ng memorandum order 57, umaasa si Sec. Luistro at ng buong DepEd family na walang Pinoy na madadamay sa patuloy na umiinit na tensyon sa Libya.

Naniniwala ang kalihim na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin ng mga istudyante sa Dios ay matutuldukan ang tension sa Libya. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.