Mac Cabreros

Marso 7, 2011

Pagtestigo ng kapatid ni Tan, ikinukunsidera ng PCGG

          Pinagsisikapan ngayon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na matuloy ang pagtestigo ni Mr. Mariano Tanenglian laban sa kinakapatid na si Lucio Tan.

          Batay sa impormasyong nakalap ng Balita, ipinarating ng PCGG kay Tanenglian, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Emilio A. Quiroz, ang abisong pagkukunsidera sa alok mismo ni Tanenglian na tumestigo sa kasong isinampa laban kay Tan.

          Sa sulat ni Gerard A. Mosquera, commissioner-in-charge ng PCGG Legal department, kay Tanenglian, na kanilang ikinukunsidera ang alok kapalit ng pagkakaloob ng immunity sa kasong isasampa laban dito (Tanenglian).

          Naunang nagpaabot si Tanenglian nang kagustuhang tumestigo sa civil case no. 0005 na isinampa laban kay Lucio Tan at iba pa at patunayan na ang mga ari-arian ng huli ay galing sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos, kung saan kapalit dito ang pagkakaloob ng immunity kay Tanenglian.

          “Please be informed that the Commission is presently deliberating on your request for immunity and will act on the matter expeditiously,” diin ni Mosquera sa sulat nito kay Tanenglian. Mac Cabreros




(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.