Mac Cabreros

Marso 8, 2011

Singil sa kuryente, bababa – Meralco

          Sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, langis at iba pang pangangailangan, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na kanilang ibababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.

          Ayon sa Meralco, ginawa ang hakbang dahil bumaba sa P0.02 kada kilowatthour (kWh) ang generation charge bunga ng pagbulusok pababa ang halaga ng kuryenteng binili sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM kung saan natapyasan ng P1.23 kada kWh at P0.17 kada kWh ang nabawas sa nabili sa independent power producers o IPP.

          Idinagdag ng Meralco na lumiit din ang kanilang transimission at system loss charge sa halagang P0.04 kada kWH at P0.01 kada kWh, ayon sa pagkakasunod.

Binanggit ng pinakamalaking power distributor sa bansa na ang pagbaba sa generation charge ay napangibabawawan ang P0.55 kada kWh na itinaas sa halaga ng kuryenteng nabili sa National Power Corportation (Napocor). Mac Cabreros






(Disclamer)
Bene Nota: The views and opinions expressed here by the author are personal to him, and do not reflect the views and opinions of the website owners and administrators. Any issue or complaint about the article must be addressed solely to the author, who is solely responsible for the article.